Chapter 15 - Pain
Kinabukasan
Pagkagising na pagkagising ko, napadaan ako sa full-length mirror sa kwarto namin ni Jbnget. Pansin na pansin ko agad yung nangingitim kong eyebags at ang isang bilog na bilog na pimple sa gitna ng ilong ko.
"Yaaaah!!!" I screamed.
*BOOOGSH!*
Napatingin naman ako sa kumalampag. Shocks! Si Jbnget na nakaupo sa sahig at masama ang tingin sakin.
"WHAT THE HELL IS GOING ON?!! Bakit ka ba sumigaw?!!" He asked in a pissed tone.
"Ah eh, wala wala." Nag peace sign nalang ako sakanya.
"Psh. Katangahan mo nanaman dyan! Teka nga, bakit ang laki ng eyebags mo?" Ugh. Ikaw! Ikaw ang may kasalanan! "At bakit.. Pffft! Hahahaha! May pimple ka oh! Hahahaha!" Sabi pa nya habang nakahawak sa tyan nya at tawa ng tawa.
"Gago ka! Amp!" I crossed my arms and pout my lips, "Ikaw may kasalanan nito!!" Sabi ko pa at lumabas na ng kwarto.
Waaah! I feel ashamed. First time ko magka pimples—pimple. The heck!
I went to kitchen and cooked our breakfast. Dalawa lang ang klase ko sa araw na 'to. Mamayang 11 am ang first at 3 pm naman ang second. 8 am palang.
Nagluto na ko ng tocino, fried rice, instant pancit canton at hotdog.
"Hoy! Di na ko kakain dito! 9:00 kasi ang first class ko ngayon eh! At tsaka, may kasabay na ko mag breakfast! Baka malate ako sa usapan namin! Sige bye!" Umalis na nga sya. Ang t*nga nya! Nagluto pa ko ng pandalawang tao tapos di naman pala sya dito kakain! Peste! At sino naman yung kasabay nya mag breakfast? Chicks ba yun?! Chicks nya? Huh! Magsama silang dalawa! Pagbuhulin ko pa sila eh. Tss. HOY MGA PEOPLE! Di po ako nagseselos ah! Wag kayong ano dyan!
Binuhos ko nalang ang inis ko sa pagkain. Kung yung iba, nawawalan ng gana sa ganitong eksena, pwes, ako gusto kong kumain ng kumain! Ugh! Lecheng James Brian Cy 'yan!
***
9:30 palang umalis na ko ng bahay. Kahit matagal pa bago ang klase ko. Aba! Ano namang gagawin ko sa bahay? Kakausapin yung pader? Matindi!
Kinuha ko sa may living room ang susi ng rider ko. Sinama ko sya sa paglipat ko 'no. Ginagamit ko lang to pag badtrip ako. Dali dali akong nagsuot ng helmet at pinaharurot ito. Para sa kaalaman nyo, hindi ito yung scene na maaaksidente ako. Darating din tayo dyan. Kalma! Hahaha. Dejk lang.
Pagka-park ko nung rider sa carpark ng school, naglakad na ko papunta sa department ko.
Sa di kalayuan, May napansin akong dalawang mukhang couple. Wagas mag kulitan e. Medyo lumapit ako para matingnan ng ayos at napanganga ako ng makilala ko ang lalaki.
P@#%&* -+@!!
Asawa ko yun ah! Nakakabdtrip naman! Paksyet! Nilapitan ko sila at hinila sa tenga si Jbnget.
"IKAW NA LALAKE KA!! NAPAKA LANDI MO!!" Sigaw ko sakanya. Tiningnan ko naman yung babae na maganda na sana, kung di lang ako pinanganak ni Mommy. "ISA KA PANG BABAE KA!! HALIPAROT! MANG AAGAW! BITCH! SLUT!! SHIT KA!"
Bigla namang kumunot ang noo nung babae. Aba! Papatol sya? Sige lang!
"What the--!!"
Di ko na sya pinatapos,
"Hell." I rolled my eyes on her at hinila si Jbnget.
"Sorry!" Sabi pa ni Jbnget sa babae bago umalis. Napaka kire talaga ng lalaking 'to!
"Umayos ka Jbnget ha! Nakakabwiset ka!" Sabi ko sakanya at piningot sya.
"ARAAAY! Ano ba kasi pinuputok ng butsi mo?! Fvck!" Sabi nya.
Ano nga bang pinuputok ng butsi ko?
"Ikaw! Nakakainis ka!" I pouted. "Sinayang mo yung luto ko! Di ka man lang kumain sa bahay!" Sabi ko.
He stared at me like I'm the weirdest person he had ever met.
"Yun lang ba?!!" Pasigaw na sabi nya. "Uubusin ko yun mamaya pagdating natin sa bahay! Psh. Ang eng eng mo din!!"
Tiningnan ko sya at sinapok.
"SHIT!! Para san nanaman yun?!" Iritable nyang tanong.
"SINO YUNG BABAENG KASAMA MO KANINA?!!" Sigaw ko. Madami ng napapatingin smin. Well, who cares? Tsk.
"Pakealam mo ba?!"
"Teka teka! Hahanapin ko lang kung san ko naiwan yung pakealam ko!!" I rolled my eyes to the core. "Di mo ba naiintindihan ang nangyayare?! Asawa moko tapos.. makikita kitang may kalandiang iba? Bullshit!"
Tuningnan nya naman ako ng nagtataka.
"Kalandian?!! KALANDIAN? The hell! Di kami naglalandian! At kung naglalandian man kami, Ano naman sayo?!! May pake ka ba? Kasal lang naman tayo sa papel eh!" Ouch.
That words shut me up. This rude boy is really unpredictable! Hay, ano ulet? Kasal lang naman tayo sa papel eh. Oo nga.. kasal lang kami sa papel. Kaya anong pake ko? Wala. Wala akong pakialam, wala dapat. Napa iwas na lang ako ng tingin. Sa pag iwas ko, nahagip ng mata ko ang isa pang lalaking sinaktan ako. Nakatingin din sya samin. Si Laurence...
Lalakad na sana ako paalis nang hawakan ni Jb yung wrist ko. I looked at him emotionlessly.
"May problema ka ba?" Tumungo sya. "Bakit ganun ka mag react kanina?"
Tiningnan ko lang sya, wala pa ding emosyon ang mukha ko. Manhid na lalaki.
"Wala kanang pakialam dun. Ikaw na din ang nagsabi, KASAL LANG TAYO SA PAPEL." I said emphasizing the last phrase.
After that, naglakad na talaga ako paalis. Good. Di nya na ko pinigilan. Bakit ganun? Nasaktan nya yung damdamin at pride ko kanina pero di man lang sya nag sorry, samantalang dun sa kasama nyang babae, makapag sorry wagas! Mahalaga siguro yung babaeng yun kay Jbnget. Psh. Buti pa yun, pinapahalagahan nya. Ako ba? Mahalaga kaya ako skanya? Parang hindi naman. I feel so hurt right now, this pain was slowly killing me. In all of the people around me, I see nobody but myself alone and hurting.
Jame Brian's POV
"Wala kanang pakialam dun. Ikaw na din ang nagsabi, KASAL LANG TAYO SA PAPEL." Sabi ni Reyshengot at umalis na.
Nakaramdam naman ako ng sakit. Takte! Bakit ba ko nagkakaganito. Nagiguilty ba ko? Tss, ewan. Naguguluhan na din ako sa sarili ko.
GREY SHELLE's POV:
Nakasalubong ko si Laurence habang naglalakad ako. Ugh! Nabibwisit pa din ako kay Jbnget! Shemay.
"Hi ex. Can we talk?" Biglang sabi ni Laurence. Tinitigan ko sya, inantay ko yung magiging pintig ng puso ko kung may mararamdaman ba kong kakaiba sa kanya. Napangiti nalang ako. Wala na nga talaga.
Chineck ko naman yung time sa phone ko. 10 am palang.
"Sure ex."
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.