Part 2

16.3K 485 13
                                    


"WHAT did you do to her?" Marahas na tanong ni Josh kay Missy. Pigil ang galit. Kaagad niyang inabot ang kamay ni Cherie upang makaahon mula sa swimming pool.

Nang makaahon ito ay umiyak ito sa dibdib niya. Hindi na niya inintindi kung nabasa man siya dahil basang-basa ito. Her beautiful evening gown was soaking wet. Hindi na rin niya pinansin ang mga bisita sa birthday party niya na sumunod sa kanya nang tunguin niya ang bahaging iyon ng malawak na hardin ng mansion.

Niyakap niya si Cherie upang aluin at hinubad ang coat upang isuot rito. At muli ay hinarap si Missy. The kid's face was full of anger. Tila nagbabaga ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanila.

"Ano'ng ginawa mo sa kanya?" Muli niyang tanong. Medyo napalakas ang tinig. Sumosobra na ang batang ito. Napagpasensyahan niyang lahat ng mga kalokohan nito ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya kaya pang unawain ang pagiging pasaway nito.

Lumatay sa mukha nito ang pait. Mukhang nabigla sa pagsigaw niya.

"She is sick, Josh. Itinulak ako ng batang iyan sa pool," si Cherie na ang sumagot nang hindi magsalita si Missy.

"She did? Bata lang siya. Paano ka niya nakayang itulak sa pool?" Mahinang tanong niya. Hinawi niya ang basang buhok na tumabing sa mukha nito.

"I lost balance. Nagulat kasi ako sa ginawa niya," lumuluhang sagot ni Cherie.

Tiim-bagang na hinarap niya si Missy. "Bakit mo ginawa iyon, Missy?"

Missy was gritting her teeth. There was a mix of anger and pain in her eyes as she looked up at him. "Inaway n'ya ako, Josh. Pinagsabihan n'ya ako ng masasakit. She even hurled me names. She's the one who's sick!"

"Sinungaling!" Cherie shrieked. At muling sumubsob sa dibdib ni Josh upang umiyak.

Josh gritted her teeth. "Hindi magagawa ni Cherie ang sinasabi mo. Huwag kang mag-imbento. Had I not known you better, I would have believed in your lies, Missy. Mag-sorry ka kay Cherie. Now."

Nakita niya ang paglatay ng pagdaramdam sa mukha ni Missy na tila ito iiyak. Tumingin muna ito sa mga taong nakapaligid bago ibinalik ang tingin sa kanila. "I'm not sorry for pushing her in the pool because she just deserved it."

"Missy!" Pinandilatan niya ito.

"You two can go to hell!" Missy shouted and ran out of the crowd.

Hinabol niya ito hanggang sa labas ng mansion. Her house was a few blocks away.

"Let go off me!" Nagpupumiglas ito nang hablutin niya sa braso.

"Sumusobra ka na, Missy! You are becoming a delinquent. Hindi ka na nakakatuwa."

"I hate you!" She yelled, still trying to let go from him. "Hindi na kita mahal!"

"Yes! Thank you. That's it. Hate me. Hate me forever. Nang sa ganoon ay hindi ka na parang tutang laging nakabuntot sa 'kin. I'm fed up with you. Of this game you're playing. It's time to go figure, little princess. I'm not your prince charming. I'm too old for you. I was hoping you know it by now. And from now on, I don't want to see you tailing me again. Is that clear?"

Pinagsisihan niya rin ang mga sinabi rito pagkatapos. Dahil hindi na nga ito lumapit sa kanya simula noon. Ni hindi na siya nito pinapansin kahit magkakasalubong sila o kahit tingnan man lang. Ngunit naisip niyang tama lang ang nangyari. Natigil na ang kahibangan nito.

Until a few weeks later, nabalitaan na lang niya mula sa abuelo na umalis na ang pamilya ni Missy. Tumulak na ang mga ito sa States na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Kunsabagay, bakit naman ito magpapaalam gayong galit nga ito sa kanya. Siya pa nga ang nagsabing kamuhian siya nito habangbuhay.

Ayaw man niyang aminin sa sarili ay na-miss niya ito pagkatapos nitong mawala. Ang mga halakhak nito, ang mga love letters nito, ang araw-araw nitong pag-a-I love you sa kanya, ang mga nakakatuwang kalokohan nito. Pati ang mga pagyakap-yakap nito at paghalik-halik sa pisngi niya. Marahil ay dahil itinuring na niya itong little sister. He had learned to care about her.

Kung hindi lang dahil sa insidenteng iyon sa birthday party niya ay malamang na may komunikasyon pa rin sila sa isa't-isa hanggang sa mga sandaling iyon.

He took a deep sigh. Hindi pa rin siya makapaniwalang kailangan niyang pakasalan ang makulit na batang iyon para lang makuha ang mana niya. 

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon