Part 20

14.2K 383 16
                                        


"HAVE you seen the papers, hubby?" Nakangiting tanong ni Missy sa asawa. Sinadya niya si Josh sa silid nito upang inisin tungkol sa ginawa niyang pagpapa-interview sa isang pahayagan. Hindi kasi sila nagkita ng umaga dahil tinanghali siya ng gising kung kaya hindi niya alam kung anong naging reaksyon nito nang mabasa ang balita.

Inilipat nito sa kanya ang tingin mula sa monitor ng laptop sa study table. His lips twisted in a sarcastic smile. "Ang galing mo talaga."

"Thanks. Wala nang problema kung makikita kami ng mga taong magkasama ni Troy. He agreed to be my cousin."

"Ang galing mong magbaligtad ng mga pangyayari," he spoke in between his teeth. "Ako pa ang naging patay na patay sa 'yo noon. Ako pa ang nagmistulang stalker mo. Binura mo nga ang tsismis na pindeho akong asawa pero ginawa mo naman akong filthy cradle-snatcher. A twenty-two year old man pining a twelve-year old girl seven years ago and until now kaya nang mag-nineteen ito ay pinakasalan kaagad. Dammit, brat. Talaga bang gusto mo akong sirain?"

Kumislap ang mga mata ni Missy sa tuwa sa naging reaksyon nito. "But at least, I told them we're happily married now. And that I've learned to love you dahil humanga ako sa tiyaga mong mapaibig ako, kaya hinding-hindi kita magagawang pagtaksilan at ipagpalit. Sabi ko pa, you're a very loving husband."

"Or a henpecked fool. Why, thanks a lot!" napapantastikuhang bulalas nito.

"You're welcome. Goodnight, hubby," aniyang tila hindi alintana ang galit nito. Tinungo na ni Missy ang pinto ng silid nito ngunit natigilan siya sa paghakbang palabas nang tawagin ni Josh. Nang humarap siya ay nakita niyang papalapit ito sa kanya. Napaatras siya hanggang sa maramdaman na lang niya ang dingding sa likod. Nasukol siya nito.

"B-Bakit?" nauutal na tanong niya habang nakatingala rito. He was too close and she suddenly felt the erratic beating of her heart.

"Ano nga ba 'yung napag-usapan nating gagamitin nating ground for annulment?" Wala nang galit sa tinig at mukha nito. Instead, his voice and mood were smooth and cool.

"N-Non-consummation of marriage, b-bakit?"

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. "Pwede bang psychological incapacity on your part na lang?"

Sukat sa sinabi nito ay tumaas ang presyon niya. "You scum! Hindi a—" Tinakpan nito ng palad ang bibig niya.

"Teka lang. Patapusin mo muna ako." Inalis na ni Josh ang kamay sa bibig niya at lumipat iyon sa pisngi niya. His hand caressed her cheek. Bahagya siyang napapitlag. Naalarma sa pag-iiba ng ekspresyon ng mga mata nito. Was it desire glimmering in his eyes? "You've grown so lovely, Missy. So beautiful..." Hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya. "Hindi pa rin ako makapaniwalang ikaw na iyong maliit na bata noon..."

Pinangunutan si Missy ng noo sa pagtataka. Ang dibdib ay binabayo ng kaba. Natuwa man sa papuring tinuran nito ay walang puwang ang mangiti sa sitwasyon.

"Hindi rin ako makapaniwalang kaya mong iparamdam sa akin ito," patuloy nito. Lalo pang lumapit ang mukha sa mukha niya.

She swallowed hard when his eyes roamed over face. Nang huminto ang paningin ni Josh sa mga labi niya ay tila alam na niya ang mensaheng gusto nitong iparating. He desired her. He wanted to kiss her. He wanted to... make love to her? "J-Josh... a-anong..."

Napatingin si Missy sa mga labi nito. He really has gorgeous lips, bulong ng isip niya. At tila gusto niyang batukan ang sarili na nagawa pa niyang makapag-isip nang ganoon sa sitwasyong iyon.

"Hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko, Missy. I want to kiss you so badly... I want to have you," he whispered in a sexy and husky pitch.

Napasinghap siya. When he moved his face closer, her eyes closed involuntarily. Nagulat man sa ginawi ng sarili ay pikit-matang hinintay na lamang niya ang paglapat ng mga labi ni Josh sa kanya. Ngunit walang mga labing dumampi sa kanya. Sa halip, isang tawa ang pumuno sa paligid.

Marahas siyang napadilat. Bumulaga sa kanya ang walang pagsidlang tuwa sa mukha nito. Tila siya pinagsakluban ng langit at lupa sa realisasyon. Naisahan siya nito!

"May gusto ka pa rin sa akin," kumpirma nito.

"Wala na akong gusto sa 'yo!" singhal niya, pulang-pula ang mukha sa labis na pagkapahiya.

"Really huh? Kaya pala pumikit ka pa dahil akala mo—"

"Shut up!" putol niya sa panunudyo nito at nagtangkang umalis sa pagkakasukol nito.

"O, saan ka pupunta? Running away after being exposed?" he teased.

"You beast! Wala na akong nararamdaman para sa 'yo kundi hate. Let go off me or I'm gonna knee your thing," gigil na asik niya rito.

Naaaliw na pinawalan na siya ni Josh. Nasa labas na siya ngunit may pahabol pa ito.

"Goodnight, Princess... sleep tight."

Natigilan siya. Suddenly, she felt a heavy squeeze in her heart. Ganoon ang parating sinasabi ni Josh sa kanya tuwing gabi, seven years ago.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon