PAINGOS na bumuntunghininga si Missy at inihagis sa sahig ang teddy bear na hinugot niya mula sa mga gamit na nakatambak sa parte ng cabinet na ginawa niyang tambakan ng mga lumang gamit. Hindi pa siya nasiyahan. Sinipa pa niya iyon at pinagtatapakan.
"I hate you, Kiddo!" She hissed and made a face. Pagkatapos ay muling bumalik sa kama at pabagsak na naupo. Nakatingin pa rin siya kay Kiddo habang nakasimangot.
That teddy bear named Kiddo was from Josh. Ibinigay sa kanya ng binata years ago for her twelveth birthday. Ito pa talaga ang nagbigay ng pangalan sa stuffed toy. Ang sabi pa nga niya, anak nila ni Josh si Kiddo na tinawanan lang nito ngunit inayunan rin pagkatapos.
Seven years ago, parati niyang yakap sa pagtulog si Kiddo. Ini-spoil niya ito. Inaalagan at kung nakakain lang ito ay sinubuan na rin siguro niya. Ngunit pagkatapos siyang sigawan ni Josh dahil sa nobya nito ay pinagmalupitan na niya ang teddy bear. Hindi na niya ito pinansin, hindi na pinaliguan at itinambak na lang sa kung saan.
Hindi niya rin ito isinama nang pumunta sila sa States. Iniwan niya lang ito sa mansiong iyon na ipinatingin nila sa mga katiwala. Nagkaroon kasi ng business doon ang kanyang daddy at sumama rin sila ng kanyang mommy doon dahil ayaw mawalay sa isa't-isa ng mga magulang niya.
Inirapan niya si Kiddo at pabagsak na inilatag ang likod sa kama.
She sighed. It has been seven years ngunit hindi pa rin niya nalilimutan ang pangyayaring iyon sa birthday party ni Josh kung saan nagsimula siyang mamuhi rito. Hindi nito alam kung gaano siya nito sinaktan sa pamamahiya nito sa kanya sa harap ng mga bisita nito. Sinigawan siya nito. Hindi siya pinaniwalaan, bagkus ay tinawag pa siyang sinungaling.
At hindi pa ito nasiyahan. Hinabol pa siya nito upang pagsabihang huwag na huwag na siyang bubuntot rito kahit kailan. She was so hurt that when she reached home, she cried and cried to heart's content. At isang linggo siyang hindi makausap kahit ng mga magulang. Kahit tanong nang tanong ang kanyang mommy ay hindi niya sinabi rito ang dahilan ng ipinagkaganoon niya. Nalaman na lang ng mga ito nang ipatawag siya ng lolo ni Josh dahil hindi na raw siya pumupunta sa mansion nito gaya ng nakasanayan na niya.
Matapos ang isang linggong pagmumukmok ay muli niyang ibinangon ang sarili. She had finally decided not to let Josh make her feel miserable just because he dumped her for that heinous bitch called Cherie.
"Hoy, little bitch, tigilan mo na ang pagbuntut-buntot mo kay Josh pwede ba? You are making him itch. Hindi ka lang niya maitaboy. Ang bata-bata mo pa, malandi ka na. Kapag hindi ka pa tumigil sa kakasama sa amin kapag may date kami, I'm gonna kick your stubborn little ass!"
Hanggang ngayon ay tila naririnig pa niya ang mga sinabi ni Cherie bago niya ito buong puwersang itinulak sa swimming pool. Nagpanting kasi ang tainga niya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang minahal ni Josh ang may ganoon kasamang ugaling babae. In fact, he even told her not to mess up with his girlfriend. Inamin nito sa kanyang si Cherie ang first love nito. Sa lahat ng naging girlfriends daw nito ay sa dalaga lang nito naramdaman iyong tinatawag nitong "spark".
Spark. Naramdaman niya rin iyon noon kay Josh. Ito ang first love niya. Sa murang isip ay alam niyang minahal niya ito. Kaya gumagawa siya noon ng mga paraang bunga ng kanyang pilyang kaisipan para itaboy ang mga babaeng nagpapa-cute rito. Sukdulang siraan niya ito.
Ipinagkakalat niyang may fiancée na ito sa States kaya kung magkaroon man ito ng relasyon sa ibang babae, panakip-butas lang daw ang mga ito. Merely flings at hindi kailanman seseryosohin. Kapag makulit ang babae at mukhang papayag na makipag-fling lang, ichinichika niyang may anghit si Josh at mabaho ang paa. Tulo-laway pa kapag natutulog. And for her last resort, she would gab that he's bisexual.
And she was too thankful na walang nalaman si Josh sa mga pinaggagagawa niya. Bagaman alam nitong siya ang may kagagawan ng biglang pagkawala ng mga babaeng nagpapapansin rito ay hindi niya sinasabi rito ang mga kalokohan niya.
Si Cherie lang ang tanging hindi niya magalaw upang itaboy. Kahit paano, natakot rin siyang magalit si Josh sa kanya kapag ginawan niya ng kalokohan ang nobya nito. Sa tuwing magkasama ang mga ito ay nagdurugo ang puso niya. Simula ng dumating si Cherie sa buhay nito ay hindi na siya nito gaanong nabibigyan ng oras. Kaya nga minsan, naglalambing siya kay Josh para isama nito sa mga lakad nito at ng nobya. Na alam niyang lihim na ikinaiinis ni Cherie ngunit hindi lang ipinapakita sa nobyo ang pagkasuya na lihim naman niyang ikinatutuwa.
Si Cherie ang dahilan kung bakit nagbago sa kanya si Josh. Kung hindi ito umeksena sa buhay nila, malamang ay nahulog na rin ang loob sa kanya ng binata. Hindi sana siya nito magagawang sigawan sa harap ng maraming tao. Hindi sana niya ito kamumuhian.
Marahas siyang napabangon. Tama lang ang mga nangyari. Tama lang na nawala ang baliw niyang damdamin para kay Josh. He did not deserve her love.
Muli niyang sinulyapan ang teddy bear at muli ay iningusan ito. Tumayo na siya upang maghanda para sa muli nilang pagkikita ni Josh. Nakakatawang isipin na tinotoo ni Lolo Tim ang ipinapangako niya rito noon. Pero hindi naman kasali sa usapan nilang itatali nito sa kanya ang mana ng apo upang mapilitan itong pakasalan siya. Hindi niya iyon ikinatuwa lalo pa at wala na siyang pag-ibig sa binata.
Naalala pa niya ang huling pag-uusap nila nito sa telepono isang taon na ang nakalilipas. Kaka-eighteen pa lang niya noon. Nagulat pa nga siya nang bigla itong tumawag gayong matagal na silang walang komunikasyon nito...
"Missy, hija. Gusto talaga kitang maging granddaughter-in-law."
"Pero Lolo Tim, imposible na 'yang sinasabi n'yo."
"Bakit naman?"
Natigilan siya. Hindi niya gustong saktan ang damdamin nito. Hindi dapat nito malamang kinamumuhian niya si Josh. Na ayaw na niya itong makita kahit kailan.
"Hindi po ako mamahalin ni Josh kahit kailan."
"Mamahalin ka niya, Hija. Nakasisiguro ako. He's very fond of you then. Bata ka pa kasi noon kaya hanggang doon lang marahil ang kaya niyang maramdaman para sa 'yo. Pero ngayong malaki ka na, maaari ka na niyang makita bilang isang babae."
"Pero Lolo, wala na po akong—"
"I don't break promises, Hija. Sana ganoon ka rin. I remember you had promised to marry my grandson paglaki mo. Hindi mo na ba natatandaan?"
Inilubog niya ang katawan sa mabulang tubig sa bathtub at pumikit. Paano nito napanghawakan sa paglipas ng panahon ang pangakong binitiwan ng isang batang paslit?
"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalankita. Promise..."
She blew a soft air of sarcastic laugh. She would do as she promised, okay. She would marry Josh. Hindi dahil sa gusto niya itong mapangasawa. But because she had plans. Evil plans, to be exact.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*
![A Kid For A Wife [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198216341-64-k819050.jpg)