JOSH held and let out a deep, harsh breath. Hell, ano bang nangyayari sa kanya? He suddenly felt hot and he actually had to lay flat on his stomach just to cover himself from shame.
Hindi niya akalaing bigla niyang mararamdaman ang ganoong bagay nang magkalapit sila nang husto ng asawa. When their lips were almost touching, he was perplexingly struck by a sudden desire to claim those pink, pouting lips and touch her soft body.
Dammit, where the hell did that spring from? Was he out of his mind?
Kanina sa golf field ay aksidenteng nagkalapat ang mga labi nila nito. And he was surprised to feel something strange with just that brief touching of their lips. A while ago, the desire to kiss her was unbelievably strong that he had to push her away before his body moved by what it screamed for.
Hindi makapaniwala si Josh na ang dahilan ng ipinagsisintir ng katawan niya ng mga sandaling iyon ay si Missy. Ang isip-batang maraming gimik at kalokohan. That scheming, stubborn kid who happened to be his wife.
Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga at itinihaya ang sarili sa kama. Pinagmasdan ni Josh ang paligid ng silid na pinakialaman ni Missy ang ayos. Sa totoo lang, nagustuhan niya ang bagong bihis ng kanyang silid. Hindi lang niya ipinakita sa asawang nagustuhan niya ang ginawa nito dahil para na rin niyang inaming kaya siya nitong mapaikot sa plano nito.
Nagpasya siyang tumayo upang tumungo sa banyo nang mabangga ng kamay ang isang pamilyar na teddy bear na nakahiga sa unan niya.
Kiddo... Naiwan marahil ito ni Missy sa pagmamadali. Kinuha niya ang teddy bear at sinipat iyon. Natagpuan na lamang ni Josh ang sariling nakangiti habang pinagmamasdan ang stuffed toy. It brought back some old memories of their friendship way back. Kung paano siya nito madalas na napapatawa noon. Kung paano nito naaalis ang pagod niya. Kung paano siya nito alagaan noon bilang 'nobyo' raw nito.
But then she started to hate him seven years ago at dala pa rin nito hanggang sa mga oras na iyon ang pagkamuhing iyon. Sa katunayan ay kasalukuyan itong may iniluluto laban sa kanya. And she even had to play tame just to support his new scheme.
His conniving kid for a wife... First, she acted like a shrew and suddenly she was nice. Ano ba talagang binabalak nito?
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*