"BAKIT gising ka pa?" Tanong ni Josh na nakapagpapitlag sa kanya mula sa pagkakaupo sa mahabang swing chair sa isang bahagi ng garden.
Naroon siya upang mag-isip. Pinoproblema niya ang pagpapauwi sa kanya ng mga magulang. Mahigpit na siyang pinauuwi ng kanyang daddy. Hindi naman niya masabi kay Josh ang tungkol roon. Kapag sinabi niya sa mga magulang ang tungkol sa inilingid niyang pagpapakasal nila nito at sa kadahilanang may kinalaman sa mana ni Josh ay siguradong magagalit ang mga ito at kakausapin ang kanyang asawa. And Josh had to have good answers to their questions about their relationship or they would both be sorry.
Hindi niya gustong pangunahan ang asawa sa kung anumang balak nito sa relasyon nila. Kung ipagpapatuloy ba nila ang kasal o matatapos iyon sa itinakdang araw. Gusto niya sana na kapag humarap siya sa mga magulang, taas-noo niyang sasabihin sa mga ito na nagmamahalan sila ni Josh upang hindi masyadong magalit ang mga ito.
Pangalawa sa bumabagabag sa loob ni Missy ay ang pagkakakita niya kay Cherie sa loob ng kotse ng asawa noong isang araw. Tinangka pa nga niyang habulin ang sasakyan nito ngunit naging imposible dahil sa traffic. At hanggang sa mga sandaling iyon ay nginangatngat pa rin ng selos at pangamba ang puso niya. Ni minsan ay hindi siya nagbukas ng usapan kay Josh tungkol kay Cherie. Inaakala marahil ng asawa na hindi niya alam na nasa bansa ang ex nito. Hindi rin nito alam na pinagbantaan siya ng dating nobya.
Natatakot siya. Paano kung may lihim na relasyon ang dalawa? Pero may karapatan ba siyang magalit at magprotesta? Gayong kahit natural na mag-asawa na ang turingan nila ni Josh ay hindi pa rin niya alam kung saan siya nakatayo rito?
Pilit siyang ngumiti sa kabila ng nadaramang bigat sa dibdib. "Hindi ako makatulog. Ikaw, ba't nagising ka?"
Umupo si Josh sa tabi niya. "Naalimpungatan ako. Wala ka sa tabi ko."
"Paano mo nalamang nandito ako?"
"Hinanap kita sa buong bahay. Then I tried my luck here. Naalala ko dati, madalas kang magtago rito. Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Nagpapahangin."
"Nagpapahangin?" Kunot-noong gagad nito. "You could have tried the terrace. Mas mahangin roon."
"Well, siguro na-miss ko lang ang lugar na ito."
He exhaled in contained laugh. "Yes. Naalala ko pa 'yong nangyari sa lugar na ito noon. Gabi rin noon. You refused to go home at nakiusap ka kay Lolo na dito ka na lang matulog ng gabing iyon. Iyon pala, may binabalak ka."
She smiled in recollection. "Naalala mo pa iyon?"
"How can I ever forget that night? That was the first time you told me that you're in love with me," he teased.
Umingos siya. "Ang dami ko talagang kalokohan noong bata ako." Pinagmasdan niya ang mga bulaklak sa paligid sa kabila ng kadiliman. Tanging ang maliwanag na buwan at mga bituin lang ang nagbibigay-liwanag dito. She felt a strong feeling of nostalgia. Magaan sa dibdib. Tila pansamantala niyang nakalimutan ang mga problemang dinadala.
"Come," he beckoned, tapping his lap. "Sit here. Nami-miss ko na 'yung parati mong pagkandong sa akin noon. We used to swing and hide here. Parang ito 'yong nagsilbing hide-out at love nest natin noon."
Napatingin si Missy sa asawa. Love nest? Gusto niyang matawa sa sinabi nito. She sat on his lap. Pinagsalikop niya ang mga braso sa likod ng leeg ni Josh. Tinitigan niya ito. "Now tell me, hubby. Na-miss mo ba ako noong nawala ako seven years ago?"
Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. "Well... kaunti."
Pinandilatan niya ang asawa. "Kaunti lang?"
He laughed softly. "Ikaw kasi, eh. Masyado ka kasing pilya."
Lumabi siya. "So, talagang nagalit ka sa akin noon dahil sa ginawa ko sa ex-girlfriend mo?"
"Nagalit ako kasi hindi ako makapaniwalang kaya mong gumawa ng ganoong mga bagay. Na kaya mong manakit ng ibang tao."
"Pero nagawa ko lang naman iyon dahil sa mga masasakit na sinabi ng ex mo sa akin. Sobrang naipon na lang siguro ang inis ko sa kanya kaya nagawa ko siyang itulak sa pool. Mabait lang siya sa akin kapag kaharap ka. At your back, she used to glare at me, call me names and bad-mouth me. She's..." Tiningnan niya ang kunot sa noo nito. "Hindi ka naniniwala?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin 'yan noon?"
"One time, nagtangka akong sabihin but you cut-off my words. You were blinded by your feelings for her." Bumigat ang dibdib niya nang maisip ang posibleng itinatagong relasyon ng mga ito sa kasalukuyan.
Bumuntunghininga si Josh. "I'm sorry."
She pouted. "Hindi na maibabalik ng sorry mo 'yung sakit na naramdaman ko noon. Pinagbintangan mo akong nagsisinungaling. Pinahiya mo ako sa maraming tao. You even told me to stay away from you from that day on. You've hurt me so much, Josh."
There were regrets in his eyes as he looked at her. "I'm really sorry, baby. Sinaktan mo rin naman ako noong umalis ka papuntang States nang walang paalam."
Nagliwanag ang mukha ni Missy. "Talaga?"
Tumango ito. "At saka nakaganti ka na naman 'di ba? Alam mo bang hindi birong kunsumisyon ang ibinigay mo sa akin? Ilang araw akong pinag-usapan sa buong building dahil sa ginawa mong mga eskandalo."
"Gumanti ka rin naman 'di ba? Noong nagdala ka ng ibang babae sa bahay." Biglang kumulo ang dugo niya sa naalala.
Natawa si Joah. "Hindi ko 'yon babae. She's my third cousin. Apo ng pinsan ni Lolo Tim. I just used her to get back at you."
Napanganga siya. "You scheming beast!" But she felt relieved about that.
"And you scheming witch, nahawa lang naman ako sa 'yo," he said, smirking.
Nakipaglabanan siya ng titig kay Josh. Pagkatapos ay kapwa sila napangiti. Yumakap siya rito nang makaramdam ng ginaw. Naalala niyang ginawa na rin niya iyon noon. She was on his lap and was hugging him.
"But tell me, ba't bigla kang nagbago? Bakit bigla kang bumait? Pinagsuspetsahan pa nga kitang may iniluluto na naman laban sa akin. Why, Missy? Tell me," tanong nito habang yakap siya.
She swallowed hard. Sasagutin ba niya si Josh? Ngunit nangangahulugan iyon ng pagtatapat niya ng pag-ibig dito. Ito na nga ba ang tamang oras? Aamin na ba siya?
Pinagmasdan ni Missy ang paligid. Dinama ang lamig ng hangin. Ganito rin ang pakiramdam niya noon nang una niyang aminin kay Josh ang nararamdaman niya para rito. Naroon rin sila sa lugar na iyon. Naalala pa niya kung paano ito napatda nang magtapat siya rito noon. But seconds later, he laughed softly. Akala ay nagbibiro lang siya.
Siguro naman ay hindi na ganoon ang magiging reaksyon nito sa pagkakataong ito. Bata pa kasi siya noon. Naiintindihan na niya ngayon ang naging reaksyon ni Josh.
She sighed. Marahil nga ay ito na ang tamang pagkakataon upang ipaalam sa asawa ang damdamin niya at nang malaman na rin niya ang nararamdaman nito para sa kanya. Sunud-sunod na paghinga ang ginawa niya bago bahagyang inilayo ang sarili rito upang tingnan ito sa mga mata. Ang mga braso niya ay nanatiling nakasabit rito.
"Josh..." she whispered, looking straight in his eyes.
"Hmm?" Nakatulong ang bahagyang ngiti sa mga labi nito upang lalo siyang magkaroon ng lakas ng loob para sabihin rito ang dapat niyang sabihin.
She planted a soft kiss on his cheek. "I love you," she said softly, a slight smile on her lips.
Unti-unting nalusaw ang ngiti sa mga labi nito. Ang mga mata ay tila hindi kumukurap habang nakatitig sa kanya. Walang namutawi sa mga labi ni Josh. Kinabahan siya sa nasaksihang reaksyon nito.
That expression was so hurtfully familiar. Bago pa malusaw ang sarili niyang ngiti ay yumakap na siyang muli sa lalaki para maitago mula rito ang pait na lumatay sa kanyang mukha sa nakitang ekspresyon nito. Tulad rin noon. And just like then, she heard him exhaled like trying to suppress a laugh.
"You did it again, Princess," he said, amusement in his voice.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata. She wanted to die in his arms in unbearable shame and pain.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*
![A Kid For A Wife [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198216341-64-k819050.jpg)