Part 18

14.1K 386 18
                                        


"SMILE, dear wife," nakangiting utos ni Josh sa kanya habang nagsasayaw sila sa gitna ng dance floor sa saliw ng isang lumang love song na may masayang beat.

Pilit na ngumiti si Missy. Hindi siya makapaniwalang dinidiktahan siya nito.

"Ayusin mo ang ngiti mo. The cameras are flashing. Smile like you enjoy dancing with me. Smile like you're so in love with me. Nasaan ang galing mo sa pag-arte noon, brat?" he whispered.

Nakangiti siya ngunit matalim ang mga matang nakatuon sa lalaki.

"Naalala mo pa ba kung paano ka nagpanggap na masakit ang tiyan noon para lang mabantayan kita buong magdamag at makatabi mo akong matulog? Eh noong nagkunwari kang mahina sa Math para lang maturuan kita?"

She tried hard not to distort her fake smile. "I was just a kid then. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko kaya huwag kang magyabang."

"Naaalala mo rin ba kung paano mo binilog ang ulo ng lolo ko noon kaya tuwang-tuwa sa 'yo? Noong ipinapangako mo sa kanya na sa iyo lang niya ako ipakakasal paglaki mo?"

"It was just a baby-talk! Hindi ko akalaing seseryosohin niya."

"How about the way you mess up my dates? The way you shoo away those girl who likes me? Ipinagkakalat mo pang boyfriend mo ako..."

"I realized now that what I've done then were all wrong. Loving you then was a big mistake."

"So inaamin mong minahal mo ako?" he teased.

"I'm not really sure about that," mabilis niyang depensa. "Sa tingin mo ba, alam na noon ng isang twelve-year old na bata ang totoong meaning ng salitang love?"

"What's the difference between then and now? Ganoon ka pa rin naman. Isip-bata. Spoiled brat. Impulsive. Walang pakialam. Walang takot. Matigas ang ulo at maraming tricks and schemes. And still a pain in my neck. Ganoon ka pa rin naman 'di ba?"

"Siguro nga. Ganoon pa rin ako. Pero may isang nagbago sa akin. I adored you then, Josh. But now, I hate you," she retorted, still a fake smile on her lips.

Hindi nawala ang ngiti ni Josh ngunit may pakiramdam siyang humigpit ang pagkakasaklit nito sa baywang niya. Ginantihan niya ito sa pamamagitan ng pag-apak sa paa nito. Pinandilatan siya nito. Nagsukatan sila ng tingin habang may mga pekeng ngiti sa mga labi.

Natapos ang awiting masaya at pumailanlang ang malamyos na musika. Lahat ng mga dancing partners ay nagyakapan. Naalarma siya.

"Tapos na ang palabas natin. Let's get out of this mess," aniya at umakmang aalis na sa dance floor ngunit hinagip siya ni Josh at kinabig upang mapaloob sa mga bisig nito. Napasubsob tuloy siya sa malapad nitong dibdib.

"Not yet, dear wife. Mukhang hindi pa sila kumbinsido. Hindi pa sila tapos sa pagkuha ng litrato." Iniyakap nito ang mga braso niya sa leeg nito.

Napaangat si Missy ng mukha upang mapahigit lang ng paghinga. Muntik nang magtama ang kanilang mga labi dahil nakayuko pala ito sa kanya. Muli siyang nagyuko. Naramdaman ang biglang pagbilis ng pintig ng puso. Lalo na nang idikit nito ang pisngi niya sa dibdib nito.

Pamilyar ang pakiramdam na iyon. Ang pakiramdam na iyon sa loob ng mga bisig ni Josh. At lalo siyang kinabahan sa hinahayon ng isip. Ganoon ang pakiramdam niya sa tuwing yumayakap siya rito noon!

"Naaalala mo pa rin ba noon kung paano mo ako tsinatsansingan? Parati kang nakayakap sa 'kin. You used to kiss me on my cheek," he whispered teasingly.

Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. 

A Kid For A Wife [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon