"NAPAKAGANDA mo, Missy. Hindi ako makapaniwalang ikaw na iyong pilyang batang nangungulit dito araw-araw noon," nakangiting wika ng mayordoma sa mansion ng mga Lavesarez habang tinitulungan siya sa pag-aayos ng mga damit sa closet mula sa maletang dala niya nang naglipat siya.
Dati ay halos tumira na siya sa napakalaking bahay na iyon. Hindi siya makapaniwalang magkakatotoo ang pinangarap niya noong tumira sa mansiong iyon kasama si Josh.
Pangarap niya noon. Ngayon ay hindi na. In fact, tila ayaw na niyang isipin ang mga alaala ng bahay na iyon. Partikular ang mga pangyayari sa chair swing sa garden at sa swimming pool.
"Salamat po, Manang Choleng. Kayo po parang ganoon pa rin. Parang hindi kayo tumanda."
"Hay sus! Nambola pa ito. Alam mo ba, na-miss ka ng bahay na ito nang mawala ka."
Kasama ba si Josh sa mga naka-miss sa akin? Gusto niyang isatinig ngunit pinigilan niya ang sarili. And in the first place, bakit naman niya tatanungin iyon na tila mahalagang malaman niya kung na-miss siya nito noon o hindi. Isa pa, alam naman niya ang sagot sa tanong na iyon. Hindi. In fact, he must be really relieved na nawala na siya sa landas nito at ni Cherie noon.
Si Cherie. Nakita niya ito sa isang foreign fashion magazine one year ago. Isa na itong international model. Ano na nga palang nangyari rito at kay Josh? Batid niyang walang nobya ang binata kaya nakatitiyak siyang nag-break ang mga ito somewhere in those seven years.
"Eh, Manang, ano pong nangyari kina Cherie at Josh noong nawala ako?" Hindi niya napigilan ang sariling itanong. Pinakaswal niya ang tono na tila walang kakwenta-kuwenta ang tanong na binitiwan. Hindi rin siya tumingin rito. Itinuon niya ang paningin sa inihahanger na mga damit.
"Nagkahiwalay sila dalawang taon na ang nakakalipas. Iniwan niya si Josh. Hanggang ngayon nga yata ay nasa ibang bansa pa rin si Cherie," kwento nito habang inihihilera ang mga sapatos niya sa shoe closet.
Sinasabi na nga ba niya at sasaktan lang nito si Josh base sa ugali nito. Poor Josh. Hindi kasi naniwala sa kanya na masama ang ugali ng nobya nito. Ngunit kataka-takang nagtagal pala ang relasyon ng mga ito ng limang taon, kung hindi siya nagkakamali sa pagkalkula.
"Pagkatapos nilang magkawalay nitong si Cherie eh, hindi na nagnobya si Josh. Hindi na siya nagseryoso."
Hindi na muling nagseryoso si Josh dahil ba dinamdam nitong masyado ang pang-iiwan dito ni Cherie? Nainis siya sa realisasyong nabuo sa isip. Kung ganoon, talaga palang minahal nito ang babaeng iyon. At may posibilidad na mahal pa rin ito ni Josh hanggang sa mga sandaling iyon dahil wala pa itong ipinalit sa puwesto ni Cherie sa buhay nito.
"Pero ikaw ba, Hija? Mahal mo pa rin ba si Josh hanggang ngayon?"
"Ho?" As in, hello? How can I love the one I hate the most?
"Naaalala ko pa noon ang mga kalokohan mong bata ka. Ipinagkakalat mong nobyo mo si Josh. Parati ka pang may love letter sa kanya."
Pinananayuan siya ng balahibo sa narinig. Hangga't maaari ay ayaw na niyang maalala ang mga kabaduyang pinaggagagawa niya noon ng dahil kay Josh. "Manang naman, bata pa ako noon kaya nagawa ko ang mga bagay na iyon. Ngayon nga, hindi ako makapaniwalang nagawa ko pala ang mga kalokohang iyon dati."
"Pero mahal mo pa rin siya ano? Kung hindi, hindi ka papayag na magpakasal sa kanya para lang makuha niya ang mana niya."
"Alam n'yo po ang tungkol sa huling testamento ni Lolo Tim?" Manghang pangungumpirma niya. Kunsabagay ay hindi na iba sa pamilya si Manang Choleng. Matagal na itong tagapaglingkod sa mansion.
"Oo. Sinabi sa akin ni Josh para hindi na raw ako magtaka kung bakit magkahiwalay kayo ng silid," anito. "Pero alam mo, bagay na bagay kayo ni Josh. Natutuwa akong kayo ang magkakatuluyan."
Pinilit na lang niyang ngumiti. I don't think so...
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*
![A Kid For A Wife [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198216341-64-k819050.jpg)