Part 14

13.7K 395 27
                                    


KINIKILIG na binasa ni Missy ang maliit na card na nakasuksok sa basket ng mapupulang mga rosas.

"Si Troy talaga, ang sweet!" Inamoy pa muna niya ang mga bulaklak bago muling nagpatuloy sa pagkain ng agahan.

Nakita niyang masama ang tinging ipinukol ni Josh sa mga bulaklak. Kung alam lang nito kung sino ang sender niyon. Ang sarili niya.

Araw-araw ay pinadadalhan niya ng bulaklak ang kanyang sarili at galing iyon sa mga imaginary guys ngunit madalas, kunwari ay kay Troy. Si Troy na kaibigan ni Cass na walang kamalay-malay sa kalokohan niya. Noong una pa lang niyang nakilala si Troy sa pamamagitan ni Cass ay nagpahayag na ito ng paghanga sa kanya. Ngunit nang malaman nito mula kay Cass na ikakasal na siya ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya.

Nang lumipat sa kanya ang matalim na tingin ni Josh ay nginitian niya ito. Alam niyang malabong mangyaring magselos ito sa mga nagpapadala ng bulaklak sa kanya at sa mga lalaking idene-date niya kuno sa hotel rooms. Hindi rin naman iyon ang motibo niya sa ginagawa. Gusto niya itong magalit. Gusto niyang tapakan ang pride nito.

Imagine, ang asawa nito ay nagpapaligaw sa iba?

"Stop seeing that Troy."

Napatingin siya kay Josh. Ngayon lang siya nito sinabihan nang ganoon. Finally, napikon na yata nang husto sa pakikipagkita niya kuno sa ibang lalaki. "And why would I do that?"

"I'm gonna wring your neck kapag may nakakita sa 'yong press people at maeskandalo ang pangalan ko."

"Don't worry, hubby. Lagi lang kaming nasa loob ng suite. There are lesser chances na may makakita sa amin... doing wonders." Kinindatan pa niya ito at nagpatuloy na sa pagkain.

"Damn you, brat. Wala ka ba talagang delicadeza?"

Napasinghap siya. Nabitiwan ang kubyertos. "Delicadeza? How dare you tell me na wala akong delicadeza! I'm just enjoying my life as a typical teenager. I'm tied to marriage so young and to a man I don't love so may dahilan ako kung bakit ko nagagawa ito."

"Typical teenager. Ganyan na ba ang typical teenagers ngayon? Sa hotel room na kung makipag-date at sa iba't-ibang lalaki pa?"

"Pakialam mo?" Muli siyang kumain.

"Ganyan ba ang natutunan mo sa States? Hindi ako makapaniwalang hinayaan ka nina Tito Roy at Tita Nanette na magkaganyan. O sadya lang talagang matigas ang ulo mo. Sabagay, hindi na ako magtataka. Bata ka pa lang, delinkuwente ka na," he said, his face full of disgust.

Tiningnan niya nang matalim si Josh. Hindi man niya aminin, nasaktan siya sa mga salitang binibitiwan nito. Kahit hindi totoong sinisira niya ang buhay niya ay masakit pa rin sa kanyang paratangan nito ng kung anu-ano.

Pati tuloy mga magulang niyang walang kamuang-muang sa mga kalokohan niya ay nadadamay. Hindi alam ng mga magulang niya ang ginawa niyang pagpapakasal kay Josh dahil kung nalaman ng mga ito ay tiyak na tututol ang mga ito. Hindi dahil hindi gusto ng mga ito si Josh. Kundi dahil napakabata pa niya para mag-asawa. Idagdag pa ang hindi normal na pagpapakasal nila ng asawa. Alam niyang hindi papayag ang mga magulang niya na magpakasal siya sa taong hindi siya iniibig at dahil lang sa manang makukuha nito.

Hindi niya sinabi sa mga magulang ang totoong dahilan ng pagbabalik niya sa bansa. Humingi lang siya ng isang buwang bakasyon sa Pilipinas dahil sinabi niyang namimiss na niya ang bansang kinalakhan. Huminto rin siya sa pag-aaral na noong una ay hindi inayunan ng mga magulang ngunit dinramahan niya ang mga ito at nangakong ipagpapatuloy ang pag-aaral sa isang taon. Dalawang beses sa isang linggo ay tinatawagan siya ng mga magulang sa cellphone upang alamin ang kalagayan niya.

"Kung itinikom mo lang sana iyang bibig mo at hindi mo ipinagkalat na asawa kita, wala sana talaga akong pakialam sa kung sinu-sino mang lalaki ang samahan mo. Nakakabit na ang pangalan ko sa 'yo ngayon, brat. At madadawit ang reputasyon ko sa bawat gagawin mong kalokohan na may makakakita. At kapag naeskandalo ang pangalan ko, you'll regret it."

Ang lakas ng tawa niya noong makita ang larawan niya at isang artikulo sa lifestyle page ng isang pahayagan. Techno-Net successor, Joshua Lavesarez married a teenager?

Sadya siyang nagpainterview sa isang sikat na pahayagan upang ipagkalat na may asawa na si Josh. Wala namang nagawa ang binata nang putaktihin ng mga press kung kaya hindi na nito pinasungalingan ang ginawa niyang pagbubunyag ng marriage status nito.

Sasagot pa sana siya nang muling lumapit si Manang Choleng. May dala ulit itong bulaklak na pinagtakhan niya. Sa pagkakatanda niya ay isa lang ang ipina-deliver niya sa bahay.

"Missy, may nagpadala uli."Dali-dali niya iyong kinuha at bahagyang nabigla nang malaman kung sino ang nagpadala.

Dinner tonight? Please say "yes"...

Troy

Totoong kay Troy galing ang isang iyon!

"Kanino naman galing 'yan? Kay Dave, Luis o Ricky?" Pukaw nito sa sarkastikong tono.

Ngumiti siya. "Kay Kenneth." At nagpasyang tumayo na.

Nagtagis ang bagang nito. "Why, you seemed to be very good in 'hotel bed'. Maraming nahuhumaling sa 'yo."

She decided to smile. "Sorry, hubby. But you can never know it."

"As if I'm interested in knowing it."

Nang makatalikod ay nalukot ang mukha niya.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon