SA NANLILIIT na paningin ay nakita ni Missy ang tila nag-aapoy na mga mata ni Josh na nakatayo sa itaas ng grand staircase at pinanonood siya habang pasuray-suray na umaakyat sa mataas na hagdan. Napangiti siya at huminto.
Hindi na pumasok si Cass na siyang naghatid sa kanya dahil si Manang Choleng na ang umalalay sa kanya papasok ng bahay. Nang makapasok na sa loob ay hindi na siya nagpaagapay sa matanda. Siya na lang mag-isa ang umakyat sa hagdan na ang dalawang kamay ay nakahawak sa handrail.
"Oh! Still awake, hubby?" Aniya. "Hinintay mo 'ko no? Ikaw ha... I told you... no sex." Iginalaw pa niya ang hintuturo at humagikhik. Narinig niya ang pagsinghap ng kung sino sa likuran niya. Nagulat pa siya nang makita si Manang Choleng na hindi pa pala umalis at nanatiling nakaagapay sa likuran niya.
"Manang Choleng! Kayo ha, nakikinig kayo. Usapang mag-asawa 'to. Shhhhh..." Baling niya sa matanda at inilagay pa ang hintuturo sa tapat ng mga labi.
Nakarating pa sa pandinig niya ang marahas na pagpapakawala ng hininga ni Josh bago ito bumaba sa hagdan at haltakin ang braso niya. Napasinghap siya sa karahasan nito. Pilit niyang binawi ang kamay mula rito. "Bitiwan mo nga ako! Sisigaw ako ng rape. Rape! Rape!" Tili niya. Tinakpan nito ang bibig niya.
May ibinilin ito sa mayordoma at pagkatapos ay iniakyat na siya.
"You little brat!" Singhal ni Josh sa kanya nang maipasok na siya sa kanyang silid at maihagis sa kama niya. "Alam mo ba kung anong oras na? Hindi ko na itatanong kung saan ka nanggaling dahil kitang-kita na. Look at yourself, you're a total mess! And you're just nineteen that way?"
Inalis niya ang mukha mula sa pagkakasubsob sa kama at tinitigan ito nang buong talim. Nakita niyang nagtatagis ang mga bagang nito. And deep inside, she was happy she made him mad. Bumangon siya at pasuray-suray na lumapit rito. "Ikaw..." Pinagdudutdot niya ng hintuturo ang dibdib nito. "Wala kang pakialam. 'Di ba napag-usapan na natin 'to? Kaya... back off. Get out of my room bago pa ako sumigaw ng rape."
"You're dreaming if you think I'm interested in your body. Ni katiting, wala akong interes sa 'yo," he snorted.
Napanganga siya sa sinabi nito. She suddenly felt that familiar twinge in her heart. Years ago, on his birthday, he made it clear to her that he was not interested with her. At ngayon, tila naulit ang ginawa nito sa kanya at naulit din ang sakit na nadama niya. But the pain was solely for her ego this time.
Humulagpos ang galit sa dibdib ni Missy. Tila nakalimutan ang kalasingan. "I hate you! I hate you! Akala mo may gusto pa rin ako sa 'yo?" She breathed out a mocking laugh. "I'm not that senseless little girl anymore, you big-headed scab! Ni katiting, wala na akong nararamdaman sa 'yo. I only have this pure anger and hate for you till now!"
Tila lalong tumigas ang anyo ni Josh sa narinig. "So was that your reason for marrying me? Are you telling me that you just married me to get back at me sa pangyayaring dinibdib mo noon? Then, you got the wrong move, brat. Kung hindi mo ako pinakasalan, mawawala sa akin ang lahat ng kayamanan ng lolo ko. Iyon ang totoong paghihiganti."
She clenched her teeth. "No, dear hubby. There's a better way to get back at you. And that is to marry you and make you suffer a marriage from hell. I'm going to make your life miserable!"
Sa inis niya ay natawa lang ito. "Really? So you think you just made my life miserable just because you arrived home very late, on the night of our wedding, drunk and wasted? Sa tingin ko, sarili mo ang ginagawa mong miserable. Look at yourself in the mirror to see for yourself how pathetic you look like."
Napasinghap siya sa tinuran nito. "You swollen-headed beast!" Singhal niya sa mukha nito. "You'll regret everything you just said!"
"Josh, heto na ang bimpo at palangganang may tubig," tawag-pansin ni Manang Choleng mula sa pinto. Hawak nito ang sinabi. Nakita niyang tumango si Josh sa matanda.
"Okay, I'll wait for that, brat," baling ni Josh sa kanya at binitiwan na siya ngunit siya naman ang humawak rito upang hindi ito umalis.
She threw up on his shirt. Napamura ito.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*