"YOU are wicked, buddy!" bulalas ni Jed nang ikuwento ni Josh dito ang nangyari nang nagdaang gabi. Naroon sila sa Café de Rita at nagmemerienda.
Josh smiled lazily and sipped his coffee.
"Hindi ako makapaniwalang naisip mo iyon," dagdag pa nito.
"Hindi ko iyon pinlano. It just came out of the blue. Talagang nangulit si Daisy na pumunta sa bahay at doon matulog. Gusto raw niyang pagtaguan ang boyfriend niya. On our way home, naikwento ko sa kanya si Missy and her childish pranks. Nang makita kami ni Missy, bigla ko na lang naisip iyon. Naki-ride on na lang si Daisy."
Natawa si Jed. "I could imagine how she freaked out. Good job, buddy." Tinapik pa siya nito sa balikat. "Ipagpatuloy mo 'yan. Huwag kang pumayag na mapaglaruan ng batang iyon. Oh well, magandang bata... hmmm... seksing bata..." Tila lumipad na ang isip nito. Kakaiba na rin ang ngiti sa mga labi nito.
Nalusaw ang ngiti niya. Tinitigan ang kaibigan habang magkasalubong ang mga kilay. "Pinagnanasaan mo ba ang asawa ko, Jed?"
Muli itong tumingin sa kanya. "Well... a bit. Pero teka, anong sabi mo? Asawa mo? Wait a minute, am I hearing a trace of possessiveness here?"
Bahagya siyang natigilan. Bakit nga ba ganoon ang lumabas sa bibig niya? "How do you want me to address her? She's my wife, sa ayaw ko man o gusto."
Umangat ang kilay ni Jed. Mukhang hindi kumbinsido. "Paano kaya kung ma-in love ka sa kanya bago matapos ang anim na buwang kontrata ng pagpapakasal n'yo? Would you let her go?"
He gave Jed an incredulous look. Then he exhaled in suppressed laughter. "Would you rather ask me kung nasisira na iyang tuktok mo? Kung anu-anong mga naiisip mo."
"Bakit naman? Hindi naman siguro imposible, considering how beautiful she is. At nakatira kayo sa iisang bubong. Tell me, buddy, wala ka ba talagang kahit katiting na naramdamang pagnanasa sa kanya?"
Josh hit his friend with a sneer. "Gaya ng mga pagnanasa sa kanya ng mga lalaking nakaka-date niya sa hotel suites?" Bumangon ang inis niya sa naalala. "That is enough reason kung bakit wala siyang epekto sa akin. Hindi ako mahilig sa mga babaeng kung sinu-sino ang..."
"Kaya ba wala ka nang idine-date? Puro trabaho na lang ang nasa isip mo."
"I hate fooling around, hindi kagaya mo, Jed, na walang pakialam kung anong klaseng babae ang mga idine-date mo. Basta babaeng may cup C."
Hindi nito pinansin ang sarkasmo niya. "Dalawang taon ka nang walang girlfriend? Hinihintay mo pa rin ba si Cherie?"
"May meeting pa tayo, we better go now," pag-iwas niya.
Nagkibit-balikat na lamang si Jed. "Mauna ka na. Susunod na lang ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/198216341-288-k819050.jpg)
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*