DALAWANG araw nang umuukilkil sa isip ni Josh ang mga sinabi ni Missy. She hated him still after all these years. Hindi pa rin ba nito nakakalimutan ang insidenteng iyon sa birthday party niya? Binaon nito hanggang paglaki ang galit na iyon. At ngayon ay tila bata pa ring gusto yata siyang gantihan. Mukhang gusto siya nitong paglaruan at paikutin sa palad nito.
Pero tama ito. He needed her so badly. Mawawala ang lahat ng ari-arian ng abuelo sa kanyang mga kamay kapag hindi siya nito pinakasalan. Pero sobra naman yata ang mga kundisyon nito.
"Damn, no sex? Kung ako talaga sa 'yo, hindi ako papayag. That's supposed to be her marital responsibility," ani Jed habang naglalakad sila sa hallway patungo sa elevator.
Matalim niya itong sinulyapan. Kung hindi siya nagkakamali ay pangatlong beses na nitong inungkat ang tungkol sa bagay na iyon magmula pa noong sumali ito sa dapat ay private na usapan nila ni Missy. "I've no desire to have sex with her."
Umangat ang kilay nito. "Really huh? I don't believe you. I know you're a sucker for mestizas like her. She's a very attractive young lady. She's perfect for you. Did you see her humps?"
"Dammit, Jed," he muttered and pressed the elevator closed. "Get off my case."
Natawa ito. "Hindi kita maintindihan. Why don't you just marry her and get your inheritance? Wala namang mahirap gawin sa mga kundisyon niya. Well, 'yung no-sex thing lang ang mahirap. Iyon namang paghingi niya ng twenty percent ng Techno-Net, negotiable naman yata iyon. Baka pwede kang tumawad hanggang ten percent. Afterall, as your wife, magkakaroon naman talaga siya ng karapatan sa mga ari-arian mo. Well, unless you make a prenuptial agreement with her. But I don't think she'll accept to sign a prenup, considering that she holds all the cards. Pero lahat ng mga problema, nareresolba kung mag-uusap lang nang maayos at hindi paiiralin ang galit. Tama ba ako?"
Napabuntunghininga siya. May punto ito. Naunahan kasi siya ng inis nang mag-usap sila nito noong isang araw kung kaya ganoon ang kinalabasan ng pag-uusap nila.
Sometimes his friend makes sense. Marunong rin pala itong magbigay ng advice. At hindi lang pala puro sex ang nasa isip nito.
"Pero, buddy, kapag nag-usap kayo, iapila mo 'yung tungkol sa unang kundisyon niya. You are entitled to screw her all you want as his husband."
"Damn you, Jed." And sometimes, he was wrong about him.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*