IBINULSA ni Missy ang cellphone at nagpatuloy sa pamimili ng golf club. Tumawag ang mommy niya at pinauuwi na siya. Siyempre pa ay hindi siya pumayag. Hindi niya maaaring iwan si Josh. Kung kailan pa may kaunting development na sa plano niyang pagpapaibig rito.
Bahagya siyang napangiti. Araw-araw, bago pumasok ang asawa ay ginagawa niya ang trabaho niya bilang maybahay nito. She prepared his breakfast and his clothes. Hindi naman ito nagpoprotesta pa. Hindi rin nagkokomento. Hinayaan na lang siya nitong gawin ang gusto niyang gawin para rito.
When she fixed his tie, he did not protest, too. Nakatitig lang ito sa kanya. His face unreadable. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Josh. Ngunit ikinatutuwa niyang hindi na ito nagpoprotesta at nang-uuyam sa ginagawa niyang pagsisilbi rito. Malaya na niyang naipaparamdam sa lalaki ang silbi niya bilang asawa nito. Malaya na siyang nakakakilos nang ayon sa plano.
She would massage his shoulders when he got home tired. She would fix him coffee. She even learned how to cook his favorite food. At kahit hindi ito nagkokomento at nagpapasalamat ay natutuwa na rin siya dahil nakakalapit siya sa asawa nang hindi ito nagagalit.
Kung titingnan, tila siya bumalik sa mga gawain niya noon. Indeed, she was still that little girl who was willing to do everything for the man she loved. Siya pa rin si little baby Missy.
"Nice to see you here, slutty little princess." Isang pambabaeng tinig na nakapagpalingon sa kanya.
Natigilan si Missy. Hindi na niya kailangan pang lingunin upang malaman kung sino ito. Isa lang naman ang kakilala niyang may ganoon kasamang bibig.
"Same here, big heinous bitch," she retorted and smiled. Pilit itinago ang inis.
She scowled at her. "You're going to lose Josh. And that would be very soon. In fact, nag-usap na kami at nagkaliwanagan. And guess what? He would be spending his birthday with me tomorrow night. How's that for starters huh?"
Napatda si Missy. Hindi maaari iyon. Pinaghandaan na niya ang romantic dinner nila ni Josh para sa birthday nito.
Mukhang nagdiwang ang babae sa pagkakapatda niya. "Kawawa ka naman. Your husband's going to spend his birthday with someone else. That stings, I guess." Cherie gave her a wicked smile and walked away, leaving her with a heavy heart.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*