Part 15

13.7K 399 10
                                    


"ALAM ko na ang tungkol sa totoong kalagayan mo, Missy. Sinabi na sa akin ni Cass. And I've decided not to stop making you feel how attracted I am to you," ani Troy, titig na titig sa kanya.

Nasa restaurant sila ng isang hotel at kumakain ng dinner.

Bahagya siyang ngumiti. She made a mental note to scold Cass later. Masyado nang maraming nakakaalam ng sikreto niya at hindi na maganda iyon. "Troy, hangga't hindi pa kami naghihiwalay ni Josh, hindi ko pa masasabing pwede kong suklian ang nararamdaman mo para sa akin. Kahit sa papel lang kami kasal ni Josh, hindi pa rin magandang makipagrelasyon ako sa iba."

Nagpakawala ito ng paghinga. "I understand, Missy. Six months isn't that long. I can wait. Basta nandito lang ako. We can be dating friends, can't we?"

Ngunit wala na rito ang atensyon niya kundi sa bagong pasok na mga kalalakihan. Naupo pa ang mga ito sa mesang malapit sa kanila. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Naroon si Josh kasama ni Jed at tatlo pang kalalakihan.

"Missy?" Untag ni Troy sa kanya.

"Wait," aniya, hindi man lang ito tiningnan. May bombilyang kumikislap sa isip habang nakatitig sa asawa. Suwerte naman tumingin rin ito sa gawi niya at halatang nabigla. Pagkatapos ay nagtagis ang mga bagang nang masulyapan ang lalaking kaharap niya sa mesa.

She smiled sweetly. Bahagya pa niya itong kinawayan. Lalo lang dumilim ang mukha nito. Si Jed man ay napatingin sa kanila. Nginitian niya rin ito.

"D-Don't tell me, siya ang asawa mo," ani Troy na sa wakas ay nakapagpatingin sa kanya rito.

Ngumiti lang siya rito at ipnagpatuloy na ang pagkain. Maya-maya pa ay binulungan niya si Troy. "Hold my hand, Troy." Inilagay niya ang kamay sa ibabaw ng mesa.

"Huh?"

"Just hold my hand, please?"

Sinunod nga siya nito. Muli siyang tumingin sa gawi ni Josh at natagpuan niyang nag-iigitangan ang mga bagang nito. Tinawag na niya ang waiter at nagbayad na si Troy.

"Come on, Troy. Up to our room," yaya niya rito, sadyang nilakasan ang tinig at magkaangkla ang mga brasong tinungo nila ang papasok sa lobby ng hotel.

"What are you doing, Missy?" Nagtatakang tanong ni Troy. "Pinagseselos mo ba ang asawa mo? Huwag mong sabihin sa aking..."

"Don't be silly. I hate him, okay?" 

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon