NAIHAMPAS ni Josh sa executive table ang hawak na mga papeles. Hinawakan ang ulo at pumikit nang mariin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos-maisip kung paano nagawa ng yumaong abuelo sa kanya ang bagay na iyon.
In two weeks time ay ikatlong buwan na ng pagpanaw nito. At kasabay niyon ay ang tuluyan nang pagkawala ng lahat ng ari-arian at yaman nito sa kamay niya.
He smiled mirthlessly. There's a price to pay to legally own Timoteo Lavesarez's wealth, which was too ridiculous to be true.
Muli niyang ipinokus ang mga mata sa mga papel na nasa harapan. Kung hindi lang mahahalaga ang mga iyon ay malamang na kanina pa lukot at punit ang mga ito dahil sa nadaramang pagrerebelde ng damdamin.
Dalawang linggo na lang ang natitira sa palugit. Kung noong binasa iyon sa kanya ng abugado ay isinawalang bahala lang niya ang kaimposiblehan ng nilalaman ng testamento nito, ngayon ay hindi niya maikakailang nape-pressure siya dahil dito.
Kung maaari lang sanang isawalang-bahala na lang niya iyon nang tuluyan. But he can't let all their family resources slip in his hands at mapasakamay lang lahat ng mga institusyong nabanggit ng abuelo sa huling habilin nito. At walang matitira sa kanya kahit isang kusing mula sa ari-arian nito na halos hindi niya mapaniwalaan.
Oo at may sarili siyang pera. He's a millionaire himself. Sa kanya napunta ang lahat ng ari-arian ng mga magulang nang sabay itong pumanaw sa isang plane crash noong kinse anyos pa lang siya. Pag-aari na niya ang sampung porsyento ng Techno-Net Corporation na siyang dating pag-aari ng nasirang ama. Siya ang tumayong CEO ng kompanyang iyon nang magpasyang magretiro ng abuelo dahil sa katandaan siyam na buwan na ang nakakalipas. Isa siya sa board of directors noon nang irekomenda siya ng abuelo bilang kapalit sa puwesto nito. At dahil alam na ng mga kapwa directors ang kapasidad niyang mamuno sa kabila ng kanyang edad ay sumang-ayon ang karamihan sa mga ito. At tutal naman ay malaki ang tyansang sa kanya rin naman daw mauuwi ang posisyong iyon pagdating ng panahon. Malaking porsyento kasi ang hawak ng abuelo sa kompanya na ipinagpalagay na ng mga itong mapapasakanya sa oras na kunin na ng Maykapal ang matanda kahit pa hindi niya ito tunay na abuelo.
Timoteo was his father's uncle. Wala itong naging anak. Ang kanyang tunay na abuelo ay byudo noon at nang yumao ito ay inihabilin nito sa kapatid na si Timoteo ang anak na siyang kanyang ama. Si Timoteo at ang asawa nito ang nagpala sa kanyang Papa. Itinuring rin siyang tunay na apo ng mag-asawa. At nang ang kanyang ama naman ang pumanaw ay si Timoteo rin ang kumupkop sa kanya.
Silang dalawa na lang ang magkalapit na magkamag-anak simula ng mabyudo ito kung kaya alam na ng mga kakilala na sa kanya mapupunta ang lahat ng ari-arian ni Timoteo. Ngunit hindi iyon kasing dali ng iniisip ng mga tao.
Ultimo ang marangyang mansion ay mawawala sa kanya sa oras na hindi niya tuparin ang nasa testamento nito na siyang hindi niya mapapayagan. Napamahal na sa kanya ang mansiong iyon. Bagaman may sarili siyang mansion na minana sa mga magulang ay doon siya sa mansion ni Timoteo tumira simula ng kinse anyos siya hanggang sa mga sandaling iyon. May bibili raw niyon, ayon sa abugado ng matanda, sa oras na hindi niya sundin ang nasa testamento.
Ang malaking porsyento nito sa kompanya ay hindi rin mapapasakanya na nangangahulugan ng posibleng pagkawala rin sa kanya ng posisyon bilang CEO. Napatakbo niya nang maayos ang kompanya nang iwan iyon ng abuelo sa kanya. Ngunit sa oras na mapunta sa iba ang porsyento ng abuelo sa kompanya ay hindi siya nakasisigurong hindi siya mapapalitan sa puwesto, considering that he owned only ten percent of the company.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Pinaglalaruan yata siya ng abuelo sa ginawa nito. Sa pagbibigay nito ng ganoon karidikulosong proviso sa pagpapasakanya ng mana mula rito.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
عاطفية"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*