Part 8

14.7K 416 8
                                        


"CAN we talk... alone?" Pormal na tanong ni Josh kay Missy. Sinulyapan pa ang katabi niya sa malaking sofa sa sala ng mansion ng mga Garcia.

Si Cass, ang pinsan niyang kasing-edad niya. Nang bumalik siya sa bansa isang linggo na ang nakararaan ay kaagad sila nitong nag-bonding. Ito ang kasama niya sa pag-gimik sa mga nagdaang gabi kasama ang cool nitong barkada.

Lumabi si Cass sa ipinahihiwatig ni Josh. Kanina nang sopresang dumating si Josh sa bahay ay tila nakakita ng aparisyon si Cass. Napatulala ito sa binata na siya niyang ikinainis.

"Let's just go to the library," aniya at tumayo na upang tunguin ang silid. Sumunod sa kanya si Josh.

"So?" Nakaangat ang kilay na tanong niya nang makapasok na sa library at makaupo sa sofa roon. "What made you come here? Pumapayag ka na ba sa mga kundisyon ko?"

"Yes and no," malamig na tugon nito. Kasing lamig ng mga mata nitong nakatitig sa kanya.

"Yes and no?" Maarteng gagad niya.

"Pumapayag na ako sa lahat ng kundisyon mo maliban sa huli."

"Well, it's a package deal. Kailangang ayunan mo lahat. Otherwise, wala na tayong dapat pag-usapan."

"Five percent of Techno-Net. Iyon lang ang kaya kong ibigay sa 'yo."

She grimaced. "Five percent? Ang liit naman!"

"Maliit? Some stockholders of Techno-Net owned lesser. Pagkatapos naliliitan ka sa five percent? Do you even know anything about a business corporation? Ni hindi ka pa nga yata nakakatapos ng pag-aaral."

Napanganga siya. Minamaliit siya nito? Mukha ba siyang bobo? "I'm on my first year on Business Management sa States. Pero nag-drop ako so someone here in a very pathetic situation could get his inheritance." Inirapan niya ito.

"Bakit nga ba? Bakit kailangan mong bumalik at pakasalan ako para hindi mawala ang mana ko? I mean, no one forces you to marry me. Kahit pilitin kitang pakasalan ako for my inheritance's sake, kung ayaw mo talaga, wala akong magagawa."

"Are you suggesting na gusto talaga kitang pakasalan?" Pinanlalakihan ng mga matang tanong niya.

Sumungaw ang amusement sa mga mata nito. "You tell me."

"Stuck-up jerk!" She hissed. Napatayong bigla. "Hindi na ako ang dating batang wala pang sariling pag-iisip kaya nagawang bumuntot nang bumuntot sa 'yo. Huwag mong panghawakan ang naramdaman ko para sa 'yo noon. It was just a childish thing. And I don't even want to remember that once in my life, I got infatuated with someone as conceited and as bad as you are." She gritted her teeth. Lukot na lukot ang mukha na tila iiyak.

"Galit ka pa rin ba sa 'kin, Missy?"

"Do you really have to ask that when it's written all over my face?" Sarkastiko niyang tanong-sagot.

"Kaya ba ginagawa mo ito? Kaya ba ganoong klaseng mga kundisyon ang hinihingi mo? Balak mo akong paikutin sa palad mo, ganoon ba?"

Hindi siya sumagot. Isang tusong ngiti lang ang ibinigay niya rito. It was too early to tell him about her intentions bluntly.

Matalim siya nitong tinitigan bago muling nagsalita. "I'll give you five percent of Techno-Net. Marry me next week."

"Fifteen percent."

He clenched his teeth. "Ten."

Napaisip siya. "Kunsabagay, as your wife, I'm going to be entitled of all your riches." Then her lips twisted in a wicked smile. "Call."

Tumiim-bagang ito. "Ipahahanda ko bukas na bukas din ang dokumento ng pagpapasaiyo ng porsyentong iyon ng Techno-Net sa oras na makuha ko ang mana ko. We'll get marry next week. We'll stay married for six months. Doon ka na sa bahay titira." Tumayo na ito pagkatapos.

"Hey, don't forget about my one million-peso worth of engagement ring, babe," pahabol niya.

Tinapunan lang siya nito ng matalim na tingin at tumalikod na.

A marriage from hell. Iyon ang ipalalasap niya rito. Sisiguraduhin niyang bawat himaymay ng laman nito ay manggagalaiti sa pagkabuwisit sa kanya. Gagawin niyang miserable ang buhay nito. Pagsisisihan nito ang gabing iyon sa birthday party nito pitong taon na ang nakalilipas.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon