HALATA ang pagkamangha ni Josh sa bawat salitang nakasulat sa papel na ibinigay niya rito.
"What the..." He muttered and looked at her incredulous. Nasulyapan pa niya si Jed na pinipigilan ang matawa sa nasilip sa papel na hawak ng kaibigan.
Wala na si Attorney Bernardo sa silid. May appointment pa raw ito kung kaya nagpaalam na ito sa kanila matapos maipaliwanag sa kanilang pareho ang ilang tungkol sa pagpapakasal nila. Dapat mangyari ang kasal bago ang nakatakdang taning at dapat silang manatiling kasal sa loob ng anim na buwan.
"I will only marry you under my terms. Take it or leave it," she said coldly, trying to contain her smile at his reaction. Kitang-kita sa mukha nito ang inis.
"You can't be serious," he said, gritting his teeth.
"Unfortunately, I am," aniya, nakataas ang kilay. Binawi niya ang papel mula rito. "Let me explain all the details. First, no physical contact. No hugs, no kisses, no... sex."
"Whew!" Jed reacted.
"That means... we'll have separate rooms," pagpapatuloy niya.
"Rest assured, I've no even a bit desire to get intimate with you," he snorted. Kung makatingin ito ay tila siya pangit at hindi niya iyon nagustuhan.
She came there at her best. Ilang beses siyang nag-pose sa salamin upang lahat ng angulo niya ay siguradong makakahatak ng atensyon. Sinigurado niyang kapag nakita siya ni Josh ay luluwa ang mga mata nito. Pagkatapos ay tatratuhin lang siya nito nang ganoon? Pinigilan niya ang ma-distort ang mukha sa inis. Inirapan niya ito at binasa ang ikalawang kundisyon sa pagpayag niyang magpakasal rito.
"Second, do not meddle, poke your nose whatsoever in my affairs. Walang pakialamanan. 'Wag kang makikialam sa lahat ng gawin ko. Is that clear?"
"Ayokong bigyan ng problema ang sarili ko sa pakikialam sa kung anupamang mga pinaggagagawa mo."
Nag-isang linya ang mga mata niya. "You will have to sustain my whims and caprices. You have to take care of my credit cards, bank accounts, etcetera."
Nagtagis ang mga bagang nito. Tila nahuhulaan yatang gusto niyang mamulubi ito sa kanya.
"I want a million-peso worth of engagement ring and a McLaren ..." Isang napakamahal na modelo ng Mercedez Benz ang huling binanggit niya.
Tila nagbabaga na ang mga mata nito sa matalim na pagkakatitig sa kanya. And she liked it.
"And..." She flipped her hair seductively. Sinulyapan pa niya at nginitian si Jed na noo'y nakatitig sa kanya habang nakataas ang isang sulok ng mga labi. "twenty percent of Techno-Net."
"You're crazy if you think na papatulan ko 'yang kalokohan mo," matigas nitong wika. Scorn was written all over his face.
"Let me clear you one thing... In case you don't notice, I don't want to be married to you, Mr. Lavesarez. And I hate the fact na naistorbo pa ang pananahimik ko sa States nang dahil lang sa 'yo. Kaya naisip ko itong mga kalokohang ito para pakunswelo sa sarili ko. Pero ngayong ayaw mong tanggapin ang mga kundisyon ko, forget all about this encounter..." Itinaas niya ang papel. "This paper. And your inheritance." She flashed a wicked smile and stood up. "I must go now."
"Tulad ka pa rin ng dati, Missy," anito na nakapagpatigil sa kanya sa pagtalikod. "You are full of mischiefs. You're still the spoiled-rotten little menace seven years ago. I wonder if you'd really grew up. At hindi ako makapaniwalang gusto ka ng lolo ko para sa akin."
Pinigil niya ang sarili sa pagnanais na abutin ito't kalmutin sa mukha sa hayagang panlalait sa kanya. "Oh yeah? But you need this spoiled-rotten little menace so badly." Ngumiti siya nang mapang-uyam. "I'll be giving you three days to come to me and say you accept my terms. Otherwise, forget about your inheritance."
Iniwan niya itong nagtatagis ang mga bagang.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*