"DAMN, ma-le-late na ako sa meeting!" hiyaw ni Josh habang nagbibihis. Tinulungan ni Missy ang asawa na magbutones ng polo nito kung kaya inumpisahan na nitong magsuklay ng buhok.
"Ikaw kasi eh, malupit kang magparusa. Napuyat ka tuloy. Buti nga sa'yo," she teased.
He grinned. "This is all your fault, brat."
Napaingos si Missy habang isinusuot dito ang necktie. "How come it's my fault? Eh, ikaw itong..."
"Your fault for being so hot last night that I couldn't contain myself," he whispered huskily while staring at her.
Saglit siyang natigilan sa sinabi ng asawa. Nagtayuan yata ang lahat ng balahibo niya. Nang ngumisi si Josh ay hinigpitan niya ang tie nito.
He faked a wince. "That's another offense. Mamaya ka sa 'kin pag-uwi."
She chuckled. Bago pumasok sa kotse ay hinagkan pa muna siya ni Josh. She felt so happy that she actually went misty-eyed in joy. Kung alam niya lang na iyon pala ang effective na paraan para mapaamo ito, matagal na sana niya iyong ginawa. Thanks to Cass for her brilliant 'be aggressive' plan.
Sa mga nakalipas na araw ay naging napakasaya ni Missy. Totoong mag-asawa na ang turingan nila ni Josh. Parati itong umuuwi nang maaga just to be with her. Ginawa nila ang lahat ng ginagawa nila noon. They went to out to play arcade games like they used to do then. Nag-piknik sila, namasyal at nagtungo sa amusement park upang magpakasawa sa fun rides.
Josh told him he felt so young being with her. She told him she felt so happy always being with him. Muntik na nga niyang sabihin sa asawa ang totoong damdamin niya para rito ngunit pinigil niya ang sarili. May tamang panahon para roon. Isa pa, hindi pa rin naman sinasabi ni Josh kung ano ang nadarama nito para sa kanya. Inisip na lamang niyang pareho sila ng nararamdaman ngunit hindi lang masabi.
Whenever he touched her, whenever they made love, she could feel how much she was loved. Inalis na lang niya sa isip si Cherie at ang banta nitong agawin si Josh mula sa kanya. Pati na rin ang hindi pagsipot ng asawa sa inihanda niya para sa kaarawan nito dahil kasama nito si Cherie.
Napatunayan niyang totoo ang sinabi ni Cherie na ito ang kasama ni Josh sa pagce-celebrate ng birthday ng huli. Nakita kasi niya sa silid ng asawa ang isang kahon ng regalong may maliit na tag na may dedikasyon at pangalan ng babae. Nang buksan niya ang kahon ay tumambad sa kanya ang set of clubs na nakita niyang bitbit ng babae noong nagkita sila sa isang sports equipment shop bago ang kaarawan ni Josh. Ngunit hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ay maayos na ang lahat sa pagitan nila ng asawa at kapwa sila masaya.
Dalangin na lang ni Missy na sana isang araw ay sabihin ni Josh sa kanya na inaalisan na nito ng bisa ang six-month marriage contract nila upang palitan ng isang lifetime commitment as a real husband and wife.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*