Part 11

14.1K 363 2
                                    


"CHEERS!" sabi ni Missy.

Pinagpigi nila ang hawak na mga kopita. Naroon sila ni Cass sa isang disco-bar sa Makati kasama ang girl-friends nito, celebrating her 'wedding night'.

"To Missy and Josh's happy and long-lasting marriage!" ani Cass na tinawanan niya. Pinaghahampas pa niya ang table sa katatawa. Pakiramdam niya ay lasing na siya pero malinaw pa ang lahat sa isip niya. Alam niya na kaya siya naroon ay upang i-celebrate ang unang araw ng paghihiganti niya kay Josh. He was her husband starting that day. And she wanted to laugh more at the thought.

What a mock. Noon ay pinangarap niyang maging asawa si Josh. Pero ngayong asawa na niya ito ay naroon siya't kasama ang mga kaibigan sa kanyang wedding night.

"May nakakatawa ba?" Tanong ni Dianne.

"Do you really have to ask that?" Sabat ni Liane. "Bukod sa lasing na siya, hindi niya gusto ang napangasawa niya. Kita mo nga't imbes na nakikipag-honeymoon siya, nandito siya, drowning herself to alcohol."

"Kung ganoon, bakit siya nagpakasal kung hindi niya gusto?" Usisa ni Cynthia. "Ah, alam ko na. Parang napanood ko na ito eh. Arranged marriage!"

"Close," ani Cass na lumagok muna ng brandy bago nagpatuloy sa pagkukuwento ng kalagayan niya. Siya naman ay muling nagsalin ng alak sa baso nang mahimasmasan na sa pagtawa.

"Really? So, what's in it for her? Bakit siya pumayag na magpakasal, eh wala namang mawawala sa kanya kung hindi siya pumayag na pakasalan ang lalaking iyon?" Tanong ni Dianne nang marinig ang kwento ni Cass.

"She calls it—Revenge," kibit-balikat na sagot ni Cass.

Napa-oh ang tatlo. Narinig niya ang muling pagkukuwento ni Cass tungkol sa dating damdamin niya para kay Josh. Kapag hindi na siya nahihilo, sasabunutan niya ang pinsan sa pagkatsismosa nito. Mabuti na lang at hindi niya ikinuwento rito ang eksaktong pangyayari kung bakit siya nagalit kay Josh noon kundi ay mapapahiya siya sa harap ng mga kaibigan nito.

"And guess what? Hay, I saw him already and he's hotness to the core!" Kinikilig na sabi ng kanyang pinsan.

"Really?" Chorus ng tatlo.

"Yes. And if I'm just his bride..." At may sinabi pa itong kabastusan. Naghagikhikan ang mga ito. Napaingos siya.

"Teka, teka nga. Ako ba'ng pinag-uusapan n'yo ha?" Singit niya. Nanliliit na ang mga mata. Pero natawa rin kapagdaka. "Oh well, at least, you're not talking about me behind my back." At muling tumawa.

"She's wasted," natatawang komento ni Liane. "Missy, you're drunk. Iuwi na nga natin siya."

Umayon si Cass pero hindi siya pumayag. "Ayoko pa!"

"But you have to go home, Missy. Ngayon ka lang uminom ng ganyan karami. Baka magwala ka na dito sa kalasingan," ani Cass.

"Hindi pa ako lasing, okay?" Angil niya.

"Yes, you are," ani Dianne.

"No, I'm not. Gusto n'yo patunayan ko sa inyong hindi ako lasing?" Hamon pa niya.

"Okay, ilan ito?" Itinaas ni Cynthia ang kamay at ibinaba ang ilang daliri.

"Anong akala mo sa akin, bulag? Eh, di seven!"

Nagtawanan ang lahat maliban sa kanya. "Lasing ka na nga. Six lang kaya iyon," ani Cynthia.

"I suck in math." She laughed. "One more chance, please?"

"Okay, sige. Isa pang chance. If you're not drunk, sabihin mo nga sa amin kung bakit nagalit ka kay Josh noon at kung paano nawala 'yung special feelings mo for him? Surely, kung hindi ka talaga lasing, maaalala mo iyon," hamon ni Liane.

Hindi siya nakahuma. Sa nanliliit na mga mata ay inilibot niya ang paningin sa apat na kasalo sa mesa. She snorted and reached for the bottle of brandy. Wala siyang pinagsabihan kahit sino tungkol sa pangyayaring iyon. Masaya ang mga ito kung ibubulgar niya sa mga ito ang kanyang sikreto at ipahiya ang sarili sa harap ng mga ito.

Kinuha ni Cass sa kamay niya ang bote ng alak. "Answer first."

"You're all crazy if you think na sasabihin ko sa inyo iyon." At muli niyang kinuha sa pinsan ang bote at nagsalin sa baso.

Bumuntunghininga si Cass. "She's really not drunk." Nagtanguan naman ang tatlo. Mukhang kumbinsido nang hindi nga siya lasing dahil ang maglabas ng mga sikreto ang isa sa mga signs ng kalasingan.

Ngumiti siya at iniangat ang basong tangan. "Cheers... to Missy and Josh's tragic and outrageous marriage!" At humagikhik siya.

Napangiwi ang apat.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon