NAPANGANGA si Missy nang makitang hindi mag-isa si Josh na umibis sa kotse nito. May babae itong kasama! Nagtatawanan pa ang mga ito nang tunguin ang maindoor. Nasa hardin siya at naglalakad-lakad sa kabila ng kadiliman nang matigilan sa pagdating ng asawa. Nagmadali siyang pumasok sa kabahayan upang malaman kung sino ang babaeng iyon at kung bakit tila sweet ang mga ito.
Natagpuan niya ang dalawa na paakyat ng hagdan. Tumikhim siya upang makatawag ng atensyon. Lumingon naman ang mga ito.
"Sino siya?" kaagad na tanong niya nang magsalubong ang mga mata nila ni Josh.
Tila natigilan ito ngunit kaagad ring ngumiti at sa gulat niya ay inakbayan nito ang babae. Anger rushed through her veins.
"She's Daisy. Dito siya matutulog ngayong gabi... sa kuwarto ko."
Napamaang siya.
"Hi!" alanganing bati ng magandang babae.
She looked at his girlfriend incredulously.
"Alam ni Daisy ang sitwasyon natin kaya 'wag ka nang magtangkang umarteng asawa ko."
Bago pa makahuma si Missy ay ipinagpatuloy na ng dalawa ang paghakbang. Nanginginig ang laman niya sa galit habang pinagmamasdan ang mga itong magkaakbay na umaakyat sa hagdan. Hindi siya makapaniwalang kayang gawin ni Josh ang bagay na iyon. Hindi man lang nito iginalang kahit man lang ang matrimonya ng kanilang kasal.
Nasulyapan niya si Manang Choleng na nakatayo sa pinto ng komedor at nakatingin sa kanya. Inayos niya ang mukha at pilit na nginitian ito. Umiling-iling lang ito at nagpatuloy na sa pagtungo sa kusina. Nagpalakad-lakad siya roon. Pilit pinakalma ang sarili. Pinipigil ang sariling kumprontahin ang asawa.
Wala silang pakialamanan. Alam niyang iyon ang sasabihin ni Josh kapag umalma siya sa pagdadala nito ng ibang babae sa bahay. Baka siya lang ang mapahiya kapag sinugod niya ito.
Tinungo ni Missy ang bar at doon ibinuhos ang labis na inis. Nakakadalawang shot pa lang siya ay tila umiikot na ang paligid niya. Paano ba naman ay Polish White Spirit ang tinungga niya?
"Walanghiya kang Josh ka. Magdala daw ba ng ibang babae sa bahay? Ano kang klaseng asawa?" kausap niya sa wala.
"Kung bakit naman kasi, ikaw na bata ka, ayaw mo pang sabihin ang nararamdaman mo para sa asawa mo?" ani Manang Choleng na ikinabigla niya.
"Manang Choleng naman, ba't ba kayo nanggugulat?"
Pumalatak na lang ito at iniwanan na si Missy. Sinundan niya ito sa nanliliit na paningin. Bakit nga ba hindi? Bakit nga ba hindi niya sabihin rito ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon?
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*
![A Kid For A Wife [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198216341-64-k819050.jpg)