WALA na sa pasilyo si Missy ngunit hindi pa rin pumapasok sa silid si Josh. Nanatili siyang nakatitig sa dinaanan ng asawa.
That juvenile delinquent. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa mga pinaggagawa nito. Totoong nagalit ito sa ginawa niya at ikinatutuwa niya ang kaalamang nagawa niya itong mapagalit. Nakaganti na siya kahit paano sa mga ginawa nitong kalokohan sa kanya.
Indeed, she needed a dose of her own medicine. Napatunayan ni Josh na tama ang naisip niyang iyon. Tama ang advice ni Jed. Ngunit sa ginawa nitong pagwawala niyon lang, sa tingin niya, she needed a spank on the butt, too.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. Nakuha ang kanyang atensyon ng bumukas na pinto ng kaharap na silid. Si Daisy ang bumungad, nakangiti habang umiiling-iling.
"She's so mad. Kawawa naman. Hindi ko akalaing maiisip mo ang ganitong klaseng kalokohan, Kuya Josh," anito.
Lumuwang ang ngiti niya. Buti na lang at pumayag ang twenty-five year-old third cousin niya sa balak niyang pagganti sa asawa.
"This is so childish." Tinakpan pa nito ang bibig upang pigilin ang pagtawa. Pumasok na si Daisy sa silid matapos mag-goodnight.
Nalusaw ang ngiti ni Josh. Hell, ito na nga ba ang sinasabi niya. Pakiramdam niya ay tila niya pinatulan ang kalokohan ng isang bata. Pero hindi bale. At least, his little Missy was now aware that he also knew how to play her kind of game.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*