MISSY let out a dreamy sigh while smiling. Nahalikan na niya si Josh sa mga labi! At kahit dampi lang iyon, nanulay sa bawat himaymay ng kanyang katawan ang masarap na kilabot na dulot ng pagdidikit na iyon ng kanilang mga labi.
His lips felt so soft. She could still feel them on hers. Sayang nga lang at kaagad itong lumayo. Tila nagulat sa nangyari. Hindi na nga ito nagsalita hanggang sa makauwi sila sa bahay.
Niyakap niya si Kiddo. Kasusundo lang niya rito mula sa bahay nila. Pinaliguan na niya ito at mabango na. At magmula sa araw na iyon ay doon na ito titira kasama nila ni Josh.
"Kiddo, malapit na kaming magkatuluyan ng daddy mo. Malapit na siyang ma-in love sa akin. At kapag nangyari iyon, ikakasal na ulit kami. At sa simbahan na. And this time, wala ng expiration date."
Maya-maya pa ay natagpuan na lang ni Missy ang sariling tinatawid ang pasilyo patungo sa silid ni Josh habang karga-karga ang teddy bear. Gusto niyang ipakita rito si Kiddo at ipaalala kung sino si Kiddo para sa kanilang dalawa.
Kumatok siya at tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang pihitin ang seradura. Mabuti na lang at hindi naka-lock. Nang mabuksan ang pinto ay nakita niya si Josh na natutulog sa kama. Shirtless. At ang ibabang bahagi ng katawan ay natatakpan ng comforter.
She crept into his bed and sat on his side. Muli ay malaya niyang pinaglandas ang mga mata sa mukha ni Josh. Inilapit pa niya nang husto ang mukha upang mapagmasdan ito nang husto. Her gaze stopped on his lips. Nagbalik sa kanya ang kilig na nadama kanina nang maglapat ang kanilang mga labi. Ngunit kasabay rin niyon ay ang panghihinayang na hanggang doon lang ang maaaring mangyari sa kanila. If only he loved her back, then she could freely taste those lips. Magkatabi sana silang natutulog sa kamang iyon, magkayakap.
Nag-init ang mga pisngi niya sa naisip. Hindi dapat niya ginagawa ang ganoon. Paano na lang kung magising ang asawa? Ano ang sasabihin niya rito?
Nagpasya na si Missy na putulin ang pagmamasid dito nang bigla itong dumilat. Napasinghap siya at pinanlakihan ng mga mata. Ilalayo pa lang sana niya ang mukha mula rito ngunit maagap nitong hinawakan ang likod ng kanyang ulo para hindi niya mailayo ang mukha rito.
A teasing smile formed on his lips. "Anong binabalak mo? Tyatyansingan mo ba ako habang natutulog?"
Sa hitsura ni Josh, mukhang hindi talaga ito tulog nang pumasok siya sa silid nito. Kung ganoon ay nagpanggap lang itong tulog para mahuli siya sa pagmamasid sa mukha nito. Naramdaman niya ang pamumula ng mukha at kaba sa dibdib sa pagkapahiya.
"Naalala mo ba iyong isa sa mga kundisyon mo? No physical contact. It seemed na ikaw pa ang gustong lumabag sa sarili mong mga rules ngayon... Do you really think na kapag hinalikan mo ako, mai-in love na ako sa 'yo tulad ng nasa plano mo?"
Lalo pa siya nitong inilapit, dahilan upang lumapat ang dibdib niya sa hubad na dibdib ng asawa. Their faces were almost touching. Gahibla na lang ang layo ng mga labi nila sa isa't-isa at naramdaman niya ang marahas na pagtambol ng kanyang dibdib sa mismong dibdib nito.
Nahuli ni Missy ang saglit na pagrehistro ng kalituhan sa mukha nito bago siya marahang itinulak nito palayo. He turned and lie flat on his stomach.
"Get out of my room," he growled.
Nagmadali siyang lumabas ng silid ng asawa. Nasa labas na si MIssy nang mapansing wala na si Kiddo sa mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*
![A Kid For A Wife [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198216341-64-k819050.jpg)