Final Part

29.1K 1.6K 132
                                        


"IIWAN mo na ba ako? Tapos ka na bang maghiganti?"

Biglang sumikdo ang dibdib ni Missy sa narinig. Nag-angat siya ng paningin sa may-ari ng tinig na noo'y nakaupo sa bakanteng upuang nasa tabi niya.

"Josh..." She gave him a startled look. Magkasalubong ang mga kilay nito. Nagtatanong ang mga matang nakatitig sa kanya.

"Are you done with your scheme, brat? Aalis ka nang ganun-ganun na lang?" May himig-galit sa tinig nito.

Bakit kailangan siya nitong maabutan? Bakit kailangan pa siya nitong sundan roon? Para ano? Para personal siyang saktan? Huminga siya nang malalim. Pinatatag ang tinig nang magsalita. "Yes. I'm leaving. Hindi mo ba nabasa ang sulat ko? Babalik ako para sa annulment natin, don't worry. Huwag mo na ring ituloy ang pagbibigay sa akin ng ten percent ng Techno-Net. I don't need it. Hindi na kita guguluhin, Josh. You can now live your life with the one you really love."

He exhaled in incredulity. "What are you talking about?"

"Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Cherie. You were together in your business trip. And don't try to deny it dahil ginamit niya ang cellphone mo sa pagtawag sa akin, telling me to leave the house before she moves in dahil nagkabalikan na kayo. Kaya pala ayaw mo akong isama. But you two don't have to hide anymore, Josh. I'm setting you free," gumagaralgal ang tinig na wika niya. "Hahayaan ko na kayo ni Cherie. Tutal, sa kanya ka naman talaga eh. Hindi ka naman talaga naging akin. Saling-pusa lang ako sa inyo, then and now. Kayo naman talaga ang para sa isa't-isa." Nag-iwas siya ng tingin dito upang hindi nito makita ang pagtulo ng luha niya. She patted her wet cheek with her fingers.

Mahabang sandali ang lumipas bago niya narinig ang tinig ni Josh. "You know what? About this little girl that I used to know... she's just twelve yet she can throw a big woman into a pool. She drove all those girls away from me dahil sa kanya lang daw ako. She used to tell me she loves me. She even promised to marry me when she grew up..."

Napaharap siya kay Josh. What was he talking about? Kailangan ba nitong ipaalala ang mga kalokohan noon niya para maipahiya pa siyang lalo sa sarili niya?

"Makulit siya, matigas ang ulo, maraming kalokohan sa isip. But at the end of the day, I could only think about how sweet and thoughtful she was. She cared for me so much. And I'd learned to care about her, too. Nasanay na ako na nandiyan siya lagi. Napapatawa ako, napapasaya. And then one day, she left me..."

"That little girl has long gone."

Umiling ito. "No. I married her after seven years and she was still that little girl. She made me care about her. Sinanay niya ako na nandiyan siya lagi sa tabi ko. Napapatawa ako, napapasaya. But now she's leaving me... again."

Napatitig siya kay Josh.

"If she leaves me now, she would accomplish her scheme successfully. Magtatagumpay siya sa paghihiganti niya sa naging kasalanan ko sa kanya noon."

Nangunot ang noo niya. "Josh?"

"If she leaves me now, I'd be devastated. Hindi ko alam ang gagawin ko..."

Napamaang siya. "Josh..."

"But that is... if I would let her leave me. Dahil hindi ako papayag na iwan niya ako dahil lang sa isang prank call mula sa isang babae na gusto kaming paghiwalayin."

Napapatdang tinitigan niya ang lalaki. "Pero magkasama kayong dalawa sa..."

"Hindi kami magkasamang pumunta sa States. I was surprised to see her on my fourth day there. Naka-check in din siya sa hotel na tinutuluyan ko. Before that, Cherie and I had talked about us few days after she gets back from Paris. When she left me for Paris two years ago, hindi nagkaroon ng official closure ang relasyon namin. Kaya noong nag-usap kami, nagkapatawaran na kami. We decided to be just friends dahil wala na akong nararamdaman para sa kanya. Akala ko tanggap na niyang tapos na talaga kami. Hindi ko alam na may ulterior motive siya sa pakikipagkaibigan sa akin. I even trusted her that when she asked about us, sinabi ko ang totoong dahilan ng pagpapakasal natin. Ngayon ko naisip how such a big fool I was for telling her about it. While we were having dinner, she borrowed my cellphone. Low batt daw siya. Hindi ko alam na ikaw pala ang tinawagan niya. Hindi ko alam na kaya niyang gawin ang ganoon. Now I realized, limang taon ko siyang nakasama pero hindi ko pa rin pala talaga siya kilala."

Tila nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib si Missy sa nalaman. Ngunit may mga tinik pa ring hindi naaalis. "Are you saying na wala kayong relasyon ni Cherie? Kung ganoon, bakit siya ang kasama mo noong birthday mo? Hindi mo ako sinipot sa usapan natin. Hindi ka umuwi. Kasama mo siya buong magdamag..."

"Inaamin kong nakasama ko nga siya noong birthday ko pero sandali lang. I didn't want to be rude to her kaya hindi ko siya natanggihan nang alukin niya akong mag-dinner. I spent the rest of my time outdoors with my friends. I was home by one. Nakita kitang tulog na kaya hindi na kita ginising at nang umagang iyon, umalis ako ng bahay na tulog ka pa rin kaya hindi tayo nagkita."

Napasinghap siya. "Nakita mo ang... ang..."

Bahagya itong ngumiti. "Nakita ko 'yong dinner by candlelight na inihanda mo. Pati 'yong regaIo mo. I was deeply touched but I just pretended na hindi ko na lang nakita. Na-guilty kasi ako nang hindi ako tumupad sa usapan natin. Duda pa rin kasi ako noon sa bigla mong pagbait kaya hindi kita sinipot." Bahagya itong umisod upang mapalapit sa kanya. "Maliwanag na ba ang lahat sa 'yo?"

"Hindi pa," she pouted. Gusto niyang marinig mula kay Josh kung bakit kailangan siya nitong habulin sa airport at kwentuhan tungkol sa little girl na iyon.

Nagpakawala ito ng malalim na paghinga. "Okay. Alam mo ba kung bakit hindi kita isinama sa business trip ko? Because other than my business, may ibang business pa akong inasikaso roon."

Kunot-noong tiningnan niya ito.

"I came to see your parents and talk to them alone about us."

"Ha? What did you tell them? Sinabi mo ba na...? Nagalit ba sila?"

"No. In fact, they were happy for us."

"Paano nangyari iyon?" naguguluhang tanong niya.

He smiled. "Nang sabihin kong dapat na nandito sila kapag ikinasal tayo sa simbahan, hindi na sila nagalit."

She held a sharp breath. Tama ba siya ng nadidinig?

Kinuha ni Josh ang kamay niya at ibinigay sa kanya si Kiddo na niyon niya lang napansing dala pala nito. "Kiddo has been crying since his mother left him on my bed. He told me, iiwan mo na daw kami. I told him, we'd go here. Hahabulin ka namin dahil hindi ako papayag na mawala ka sa amin... sa akin..." Inilabas nito mula sa bulsa ang wedding ring na iniwan niya at isinuot sa daliri niya. Pagkatapos ay umangat ang kamay nito upang haplusin ang mukha niya.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig dito.

"I love that little girl... I don't want to lose her again..." he said lovingly.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Missy. Her heart was indeed overflowing with tears, but this time, they were tears of joy.

"You made me fall so hard, tapos iiwan mo lang ako? Please don't leave me, baby. Hindi na ako sanay nang wala ka. You're a part of me, Missy. Then and now. At kapag umalis ka, kulang na ako..."

Yumakap siya sa asawa habang humihikbi.

"I realized what I really feel for you noong gabing sabihin mong mahal mo 'ko sa swing..."

Kumawala siya sa lalaki. "Pero pinagtawanan mo lang ako noon."

He grinned. "Hindi kita pinagtawanan. Na-amuse lang ako sa ginawa mong pag-ulit sa ginawa mong pag-amin noon. It was exactly the same. The place, the darkness, the kiss on the cheek before your soft 'I love you' and the hug after. Except that on the old version, there were no humps poking on my chest when you hugged me after."

Natawa siya at muli yumakap rito.

"Come now, princess. Let's go back home. Hindi na ako makapaghintay na parusahan ka uli sa kabang ibinigay mo sa akin nang mabasa ko ang sulat mo," masuyong bulong nito.

She smiled. Kung ganoon ang paraan ng asawa sa pagpaparusa sa kanya sa lahat ng mga kalokohang ginawa niya rito, then let her be punished all her life.


AUTHOR'S NOTE: Did you like it? If you did, kindly hit vote and share it to your Wattpad friends. Thank you! :)

A Kid For A Wife [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon