Part 19

13K 330 4
                                    


NO! sigaw ng isip ni Missy. Imposible! Wala na siyang nadarama para kay Josh. It was just a sudden rush of nostalgia. Hindi dapat siya bumuo ng mga ganoong isipin dahil lang muli niyang naramdaman ang pamilyar na pintig ng puso noon sa tuwing yakap siya nito.

O marahil rin ay matagal na siyang walang nakakayakap kung kaya nang may yumakap sa kanya ay ganoon ang naramdaman niya. Isa lang ang naging nobyo ni Missy sa States at tiniyak pa ng mga magulang niya na hindi loko ang lalaki. Marahil nga ay ganoon. Na-miss lang niya ang may kayakap.

Inihanda na niya ang sarili sa gagawin. Kung akala ng Josh na iyon ay tapos na ang paghihiganti niya sa lalaki dahil lang may nahanap na itong ipananakot sa kanya ay nagkakamali ito. Ngayon ang tamang pagkakataon upang ipakita ritong hindi siya basta-basta natatakot.

Nagpaunlak si Missy sa ilang press people na humiling na makuhanan siya ng interview tungkol sa tsismis na kumakalat tungkol sa hindi nila umano magandang pagsasama ni Josh. Pagbibigyan niya ang asawa. Lilinisin niya ang pangalan nito. Pabubulaanan ang bintang ng publiko na hindi normal ang pagsasama nila. Pasisinungalingan niya ang mga ispekulasyon ng mga ito na maaari raw na arranged marriage lang at sa papel lang sila mag-asawa kung kaya nagagawa niyang lumabas kasama ang ibang lalaki.

It looked in favor of Josh... but not that much.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon