NATIGILAN si Josh nang sa pagbukas ng pinto ng silid ay matagpuang nakahiga si Missy sa kanyang kama, yakap si Kiddo at mahimbing na natutulog. Napahugot siya ng hininga nang makapasok nang husto at makita sa loob ng silid ang isang neatly arranged round table for two na may candlelight centerpiece at isang bilog na cake. Rose petals in different colors were scattered across the room. He suddenly felt a heavy squeeze in his heart.
Muli niyang itinuon ang paningin sa natutulog na si Missy. Gimik pa rin ba ito ng makulit na asawa?
Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang natutulog na asawa. She was dressed in a thin-strapped red gown. Her hair was curled and her lipstick shade matched her outfit. She was breathtakingly beautiful.
Regrets filled his heart. Kung umuwi lang sana siya nang maaga, natuloy sana ang dinner by candlelight nila. Hindi kasi niya akalaing pagkakaabalahan ng asawa ang kaarawan niya. Ni hindi nga niya alam na naaalala pa pala nito ang araw na iyon.
Napabuntunghininga si Josh. He found himself fondly caressing her hair, her cheeks. Nakadama siya ng déjà vu. Ginagawa niya rin iyon sa babae sa tuwing nakakatulog ito sa silid niya noon. His baby Missy. His little princess.
He could still remember his intense fondness to her way back. But looking at her that moment, may ibang damdamin itong hinahalukay sa kanya. Especially, when his gaze paused on her red lips. They were slightly parted as if inviting him to taste them.
Dammit, he cursed inwardly. Ipinilig ni Josh ang ulo. Napatingin siya sa isang kahon na may ribbon na nasa bnadang ulunan ng asawa. Dinampot at binuksan niya iyon. Tumambad sa kanya ang tatlong golf clubs na may iba't-ibang kulay. Napangiti siya.
Missy knew what he wanted. Nakapagtatakang mas gusto niya ang set of clubs na bigay nito kaysa sa mga iniregalo ni Cherie na alam niyang mas mahal ang presyo.
Ibinalik ni Josh ang tingin sa asawa. Nagbago na ba talaga ito o sadyang may pinaplano ito laban sa kanya? Kailangan niyang maging maingat sa pagtitiwala. Knowing Missy, she was a connoisseur in mischief.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romans"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*