NAPATAKAN ng luha ang plane ticket na hawak ni Missy. Akala niya ay ubos na ang mga luha niya sa dami na ng kanyang naiyak ngunit hindi pa rin pala. Perhaps there was an overflowing supply of tears coming straight from her heart. From her broken heart. Once again.
Josh could never be hers. He just couldn't be hers, kahit ano pang gawin niyang gimik. Then and now, she was a pathetic loser.
Nakatingin siya sa mga taong naglalakad sa airport habang nakaupo siya sa waiting area ngunit wala sa mga ito ang atensyon niya. Uuwi na siya sa mga magulang. Wala nang dahilan upang manatili siya roon. Tapos na ang misyon niya roon. Ang palpak niyang misyon. Siya yata ang naparusahan sa binalak niyang paghihiganti. When she went there, her plan was to make Josh's life miserable. Ngunit sariling buhay niya yata ang ginawa niyang miserable. And it was all because she had fallen so much in love with him... once again.
She was a fool believing he could love her. Pinaniwala niya ang sariling maaari silang magsama ni Josh bilang mag-asawa habangbuhay. Na kaya niya itong maagaw kay Cherie.
Cherie won for the second time around. Nagtagumpay itong maagaw pabalik si Josh. Napatunayan na nitong ito talaga ang nag-iisang babaeng maaaring mahalin ni Josh habangbuhay. At siya, mananatiling talunan kung kaya nararapat lamang na sumuko na siya sa laban.
Pinunasan ni Missy ang masaganang luhang bumasa sa kanyang mga pisngi. Paano nagawa ni Josh na saktan siya nang ganoon? Bakit pa nito ipinadama sa kanya ang pag-asang maaaring mahalin rin siya nito kung wala naman pala siyang dapat asahan?
Nagpaalam si Josh sa kanya para sa isang business trip daw sa States. Limang araw daw itong mawawala. Naalala niya ang ipinangako nitong isasama siya sa darating na business trip nito kung kaya hiniling niyang sumama sa asawa ngunit hindi ito pumayag. Hindi na rin siya nagpilit nang maalala ang mga magulang. Kapag nagpunta siya sa New York ay baka hindi siya makatiis na silipin ang mga ito. Hindi pa niya alam kung paano ipagtatapat sa mga ito ang lahat dahil wala pa ring sinasabi si Josh tungkol sa damdamin nito sa kanya.
Habang wala ang asawa ay tumatawag naman ito araw-araw gamit ang naka-roam nitong cellphone kaya kahit paano ay naibsan ang pagka-miss niya rito. Sa ikalimang araw na wala si Josh ay ginising siya ng isang tawag mula rito ngunit laking gulat niya nang ibang tinig ang bumati sa kanya.
"Hi, slutty little princess... how are you doing there alone?"
Muntik na niyang mabitiwan ang telepono. Gamit ni Cherie ang cellphone ni Josh?
"N-Nasaan ka?"
"We're in Affinia Hotel, here in New York."
"B-Bakit gamit mo iyang cellphone ni..."
"Are you stupid? Of course, magkasama kami ni Josh. Five days na."
Hindi na siya nakapagsalita. Kaya pala ayaw siyang isama ni Josh.
"Poor little bitchy princess. Your fairy tale is through. And no happy ending for you, I'm sorry. Alam ko na ang tungkol sa de-kontrata ninyong kasal. He told me about it. It's just too bad that he has to put up with you and pretend that he cares when he doesn't. Pero nagdesisyon na siyang palayain ka. And he will be breaking it to you pag-uwi namin. You can go back to your parents and after your 'marriage contract' expires, saka na lang kayo magkita para asikusahin ang annulment n'yo."
She choked a cry.
"You're not crying , are you? Kung bakit naman kasi napakakulit mo. Hanggang ngayon, ipinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo kay Josh. When you know he's mine. Then and now. Kaya kung ako sa 'yo, umalis ka na sa bahay na iyan. Because when we come back, diyan na ako titira. And you will be ditched personally. Hindi niya lang magawa sa phone because that's too rude. Kaya kung ayaw mong harap-harapang paalisin ni Josh diyan, just leave now. I don't want to see your face there when we come back. Is that clear?"
That was it. One phone call and Missy was totally wrecked.
Napabuntunghininga siya at itinuon ang paningin sa plane ticket na hawak. Kailangan na niyang umalis at sagipin ang sarili sa mas ibayong sakit. Kung kay Josh pa niya mismo maririnig ang pagpapaalis sa kanya sa bahay nito ay lalo lang siyang masasaktan.
Nag-iwan si Missy ng sulat ng pamamaalam sa kama nito bago siya umalis. Iniwan niya rin ang engagement ring niya, ang wedding ring nila at si Kiddo. Kung binabalak niyang kalimutan si Josh, dapat niya ring iwan ang mga bagay na may kaugnayan dito.
Bye, Josh... her heart cried out.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*