Part 28

13.3K 378 18
                                    


MAKE him fall for you, Missy. Para hindi na niya pansinin si Cherie. Para kahit matapos na ang anim na buwang kasunduan ninyo sa pagpapakasal ay hindi ka niya hiwalayan. Para maging sa iyo na si Josh. Forever...

Pinaulit-ulit ni Missy ang mga salitang iyon sa isip upang bigyan ang sarili ng lakas ng loob para isakatuparan ang plano. Paiibigin niya si Josh. Gagawin niya ang lahat para mahalin nito.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ng asawa habang mahimbing na natutulog. She sneaked into his room to see him sleeping. Sadya niyang inagahan ang paggising para maghanda ng agahan nito at para siya ang gumising rito upang pumasok sa trabaho.

Malaya niyang pinaglakbay ang mga mata sa bawat parte ng mukha nito. He was so handsome even while sleeping. She was tempted to kiss his eyelids, his cheeks, the tip of his prominent nose and... his gorgeous pair of lips. Paano kaya humalik ang mga labing iyon?

At bago pa mamalayan ni Missy ay kusa nang kumilos ang kanyang kamay upang haplusin ang mukha nito. And right there and then, she felt surer of what she felt about him.

Mahal pa rin niya si Josh. Hindi talaga nawala ang damdamin niya para sa lalaki. For seven years, she had kept him inside her heart unwittingly. At ngayong inaamin na niya sa sarili ang totoong nadarama, hindi siya papayag na mawala pa ito sa kanyang muli.

No one could take him away from her this time. Not that Daisy and even Cherie. He was her husband and she would never let him be snatched by anyone. He was hers alone and forever.

Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata para magulat lang nang makita siyang nakatunghay rito. Mabilis itong nakabangon sa pagkabigla. Napasadlak ito sa headboard ng kama.

"Good Morning," masiglang bati niya.

Kunut-noong tinitigan siya nito. "What the hell are you doing here?" He snapped.

"Ginigising ka. It's time to eat breakfast kasi papasok ka pa sa office," nakangiting sagot niya.

Lalo lang lumalim ang kunot sa noo ni Josh. Inabot niya ang braso ng asawa para hilahin ito papasok sa banyo. Kinuha niya ang sipilyo nito at nilagyan ng toothpaste. Pagkatapos ay ibinigay niya rito ang sipilyo. Isinenyas na magsipilyo na siya.

"What are you doing? Anong kalokohan ito?" Naguguluhang tanong nito.

"Magsipilyo ka na para makakain ka na ng breakfast,"aniya. Sinikap maging kaswal ang pagkilos.

Napapantastikuhang inabot na lang nito ang toothbrush at sinimulan nang magsipilyo. Nakangiting pinanood niya ito sa ginagawa. He had that crease on his forehead the whole time he was brushing his teeth.

Nang matapos itong maghilamos ay muli niya itong hinila palabas ng banyo at palabas ng silid. Sa ibaba ay natagpuan nitong nakahain na ang almusal nito.

"Magandang umaga, Joshua," bati ni Manang Choleng. "Ipinaghanda ka pa ng asawa mo ng almusal. Siya pa ang nagluto niyan. Maupo ka na't kumain." Pumasok na ito sa kusina kasabay ng dalawa pang katulong.

Tinitigan siya ng asawa. Takang-taka. She just smiled at him. Siya pa ang naglagay ng pagkain sa plato nito. "Eat well, hubby. Pagkatapos mong kumain, maligo ka na."

"Anong nangyayari sa 'yo? Napo-possess ka ba?" tanong nito kapagdaka habang ngumunguya.

Napahinto si Missy sa pagsubo. Napalabi. "Masama bang asikasuhin ko ang asawa ko?"

Nasamid ito sa sinabi niya. Dali-dali niya ng dinaluhan at pinainom ng tubig ang asawa habang ang isang kamay ay hinagod ang likod nito. "Are you okay?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

He cleared his throat but not the crease on his forehead. "Umupo ka na."

Nagpatuloy na sila sa pagkain at wala na siyang narinig mula sa lalaki ngunit halata pa rin sa mukha nito ang pagtataka sa mga ikinikilos niya. Nang matapos ito ay walang paalam na umakyat itong muli sa silid. Napabuntunghininga si Missy at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Alam niyang mangyayari ito. Alam niyang pagtatakhan ng asawa ang bigla niyang pagbabago ngunit kahit anong sabihin nito ay hindi siya susuko. Pilit pa rin niyang gagampanan ang pagiging asawa rito sa ayaw man nito o sa gusto.

Matapos kumain ay muling umakyat si Missy sa silid ni Josh para paghandaan ito ng maisusuot na suit. Ilalapag pa lang sana niya sa kama ang slacks nitong kinuha niya mula sa closet nang lumabas ito mula sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Napatalikod tuloy siya ngunit lihim na nangiti dahil nakita niya ang six-packed abs nito.

"What the... what are you really up to, brat?" Iritadong tanong nito.

"I-I just..." she stammered, sidetracked by his bare flesh and hotness. "I just want to help you prepare your things para hindi ka na mahirapang..."

"Anong binabalak mo?" maawtoridad na tanong ni Josh.

"Huh? Anong...." Hindi pa rin niya magawang humarap dito.

"What's your plan? You changed strategy? Parang may ideya na ako sa plano mo. You'll act very nice this time para makuha ang loob ko. Gagamitin mo ang talent mo sa pag-arte at pagsisinungaling. And later, you'll make me fall for you then you're going to drop me like a hot potato afterwards. You're dreaming again, brat. That strategy was good and tested but that won't work on me. So shove it."

Yes, I want to make you fall in love with me but I won't ever drop you like a hot potato after. Instead, I will keep you for the rest of my life... tulad ng pinangarap ko noon...

Pinakapigilan ni Missy ang sariling isatinig ang iniisip. "Nagkakamali ka." Naramdaman niya ang paglapit ni Josh at ang paghinto nito sa harapan niya. Hindi siya makatingin dito.

"Really? Then tell me why the sudden change? Noong isang gabi lang ay nagwawala ka sa labas ng kwarto ko, calling me names and threatening me. Then all of a sudden, babait ka nang ganyan. Naubusan ka na ba ng gimik, brat? You want to play the silent killer now?"

Umiling-iling siya. "Hindi."

"Kung ganoon, bakit hindi ka makatingin sa akin nang diretso?"

"D-Dahil..."

"Dahil?"

"Dahil... n-nakahubad ka..." She swallowed a huge lump from her throat. Napapikit siya.

"What?" takang tanong ni Josh. Saglit itong hindi nagsalita bago nagpatuloy sa matigas na tinig. "Kung makaarte ka, parang hindi ka nakikipag-date sa hotel rooms sa kung sinu-sinong lalaki."

Nakagat ni Missy ang labi. Ngayon niya pinagsisisihan ang mga ginawang kalokohan at mga nilubid na kasinungalingan. Sirang-sira na ang imahe niya sa asawa, paano pa ito magkakagusto sa kanya?

Napadilat siya para tingnan kung bakit hindi na ito muli pang nagsalita. And she was surprised to see him staring at her with a crooked smile on his lips.

"I really wonder how good you are in bed... or in a hotel bed." His eyes moved up and down her body to her widening eyes. "Ano kaya kung samantalahin ko 'yang kabaitan mo ngayon?" Lumipad ang tingin nito sa kama at alam na niya ang ipinahihiwatig nito. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa slacks.

"You know, we can always think of another ground other than 'non-consummation of marriage'," he teased.

Naalala ni Missy kung paano siya ipinahiyani Josh  sa kanyang sarili noong gabing akala niya ay hahagkan siya nito. Alam niyang nang-aasar lang ang asawa at malabong gawin nga nito ang sinasabi ngunit hindi na talaga siya kumportable sa ginagawa nito. She made a short screechy sound of defeat and threw his slacks to him. Nagmadali siya sa paglabas ng silid nito.

Narinig pa niya ang pagtawa ni Josh bago siya tuluyang makalabas.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon