Part 38

14.8K 386 25
                                    


NAGISING si Missy nang umagang iyon sa silid ni Josh. Natagpuan pa niya ang inihandang dinner by candlelight nang nagdaang gabi. She suddenly felt so down that she even wanted to cry.

Hindi umuwi si Josh. Hinintay pa man din niya ang asawa. Ang huli niyang natatandaang pagsulyap sa relo ay alas dose ng hatinggabi. Nakatulugan na niya ang paghihintay.

Magkasama ba ito at si Cherie? Did they spend the night together? Nagkabalikan na ba ang dalawa? Sa naisip ay nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Mukhang nagtagumpay si Cherie sa pang-aagaw sa asawa niya. Bakit nga ba hindi? Si Cherie naman talaga ang mahal ni Josh. Siya, nangangarap lang. Trying real hard to claim him hers but he was not hers and had never been hers. And perhaps, he would never be hers.

Pinahid ni Missy ang luhang pumatak sa mga pisngi at nagpasaya nang tumayo, bitbit si Kiddo at ang regalo niyang dapat ay ibibigay sa asawa. Ipapalilinis na lang niya ang silid ng asawa sa mga maid para hindi na lang nito malaman ang tungkol sa ginawa niyang paghahanda para sa kaarawan nito.

Matapos mag-brunch ay tumungo siya kay Cass para maghain ng sama ng loob sa asawa.

"Para kang bata kung mag-isip. Ano namang proof mo na magkasama nga ang asawa mo at ang Cherie na iyon kagabi? Hindi naman siguro magagawa ng asawa mo iyon."

"Bakit naman hindi? Eh, nagdala na nga iyon ng babae sa bahay, remember?" she said, sniffing.

Natigilan naman ito. "Hmm, may point ka doon. Pero iyon, nakita mo kaya dapat mong paniwalaan. Ang isang ito, hindi mo nakita kaya huwag mong paniwalaan. In other words, to see is to believe."

"Kailangan pa bang makita ko, kung sinabi na sa akin ni Cherie noong isang araw na—"

"Alam mo, dear cousin, huwag kang magpapaniwala sa mga kontrabida. Mostly, they tell lies para malugmok ang bida." Pumalatak pa ito at nameywang sa harap niya. "Kung magpapadala ka na lang sa mga sinasabi niya, lalo kang walang mapapala. I told you to fight that bitch, not to listen and believe in her, for crying out loud. Focus on making Josh fall for you. Do some action."

"Do you honestly think I'm not doing some action?" napapantastikuhang bulalas niya. Inilitanya niya rito ang lahat ng mga ginagawa niyang pagsisilbi sa asawa araw-araw. "Ni wala siyang reaksyon sa lahat ng mga ginagawa ko. I don't know what else I can do to make him fall for me."

"Hmm, cousin... you want some reaction?'

She nodded desperately.

"Well then, it's time to be aggressive," Cass said, smiling mischievously.

Nangunot ang noo niya. "What do you mean aggressive? Are you suggesting that I should kill Cherie to shut her up forever?"

Natawa ito. "No. Although that sounds good. Pero hindi ganoon."

"Then what?"

"Seduce him."

Napahugot siya nang marahas na paghinga. "What?!"

"Seduce your husband. Kapag hindi pa siya nagkaroon ng reaksyon, ewan ko na lang."

Napanganga si Missy. "I can't pull that off! Hindi ko magagawa iyon. No. Ayoko. Hindi."

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon