Part 13

14K 413 10
                                    


INIHIMPIL ni Missy ang kanyang McLaren SLR. Ang napakamahal na kotseng kasama sa mga kundisyong hiningi niya kay Josh. Hindi pa muna siya bumaba mula sa kotse at sa halip ay nagpakawala siya ng malakas na pagtawa.

Naalala kasi niya ang reaksyon ni Josh nang sukahan niya ito kaninang madaling-araw. Kung hindi man ito naapektuhan sa pag-uwi niya nang late at lasing ayon dito, kahit paano ay nakaganti na rin siya sa pagsuka sa damit nito.

Napangiti siya at sinipat ang mga kamay na nakapatong pa rin sa manibela. Pinagsawa ang mga mata sa kinang ng wedding ring at ng napakamahal na diamond engagement ring.

She's Mrs. Melissa Lavesarez now. She had all the rights to be with her husband, whether he liked it or not. Kaya ngayon ay naroon na siya sa labas ng Lavesarez building. She would pay her husband a surprise visit.

"What are you doing here?" May bahid-inis na tanong ni Josh nang patuluyin siya ng sekretarya nitong ikinagulat ang kaalamang may asawa na ang amo. Gumamit pa ito ng intercom upang kumpirmahin sa amo na may asawa raw itong naghahanap rito.

Hindi pala alam ng buong kompanya maliban kay Jed ang pagpapakasal ni Josh sa kanya kaya naisipan niyang ipagkalat ang impormasyong iyon sa buong building paglabas niya ng silid nito.

She smiled sweetly. Ngunit tila inisnab ni Josh ang ngiti niya dahil kaagad nitong ibinalik ang tingin sa mga papeles na nasa harap nito. She secretly gritted her teeth.

"Masama bang bisitahin ang husband ko?" Malambing na tanong niya.

Marahas itong nag-angat ng mukha. "Bakit sinabi mo sa sekretarya ko na asawa kita?"

"Bakit? May balak ka bang itago?" Kunwari ay nabigla siya.

"Oo," walang-gatol nitong tugon at muli ay ibinalik ang paningin sa binabasa.

"Why?" Painosente pa niyang hirit.

"Should you be asking?" anitong hindi tumitingin. "Ano nga bang ginagawa mo dito? Kulang pa ba ang credit cards mo? Should you need cash, you can withdraw from your ATM. Bilhin mo ang lahat ng gusto mong bilhin. Huwag mo lang akong istorbohin dito."

Pinandilatan niya ito. Iyon nga ang dahilan kung bakit siya nagtungo roon. Upang mang-istorbo. Hindi na niya ito sinagot at pinagmasdan ang opisina nito. It had a very expensive interior. Halos lahat ng makikita ay yari sa mataas na uri ng salamin.

"Wow, ang ganda ng office mo," malakas na komento niya na alam niyang ikinainis ni Josh. She heard him snorted. Kahit carpeted ang sahig ay dinig na dinig ang mabibigat niyang hakbang habang nililibot ang buong silid. Bawat makita niyang kapansin-pansing bagay sa loob ng silid ay pinupuna niya sa malakas na tinig. Ultimo ang pag-upo niya sa leather couch ay may tunog.

Nakita niya ang marahas na pag-angat nito ng mukha. Hindi na yata nakatiis sa ingay niya. Binigyan siya nito ng nagbabantang tingin.

Nginititan niya lang ito. "Sige lang, don't mind me here. Ipagpatuloy mo lang 'yan."

He clenched his teeth. Wala rin itong nagawa kundi ang muling bumalik sa ginagawa. Nasisiyahang muli siyang naglakad-lakad sa silid. Nahinto siya sa likod ni Josh kung saan nakadikit sa wall ang portrait ng abuelo nito.

"Lolo Tim," aniya. "Kayo talaga, Lolo. Ano ba itong kalokohang ginawa n'yo? Akalain ba namang ipakasal n'yo ako sa apo n'yong mayabang? Akala n'yo naman gusto ko..."

Sinulyapan niya si Josh na tila wala itong reaksyon sa sinabi niya. Inis na muli niyang kinausap ang painting. "Lolo, dahil sa ginawa n'yo, may kasalanan kayo sa 'kin. At dahil doon, ang apo n'yo ang magdudusa ng kasalanan n'yo."

May kumatok sa pinto at sumungaw si Jed. Bahagya pa itong nabigla nang makita siya ngunit ngumiti rin kaagad. "So, the wife's here. Hi, Missy."

"Hi!" She greeted back with a sweet smile on her lips.

May ibinigay itong mga papeles kay Josh. "Wala ang sekretarya ko kaya ako ang nagdala." Umupo ito sa silya sa harap ng executive table ni Josh. "So, how's the honeymoon last night?" tudyo nito kay Josh. "It seemed well. Considering na narito ang wife mo and she seemed happy."

Nasulyapan niya ang pag-asim ng mukha ng asawa. Siguro ay naalala ang 'honeymoon' nila kagabi kung saan umuwi siyang lasing at sinukhan niya ito sa damit. Pinigilan niya ang matawa sa pumasok sa isip.

"She's happy dahil nakakapanggulo siya," he snorted.

Napangiti si Missy. Ibig sabihin ay naapektuhan ito sa panggugulo niya. Sisingit sana siya sa usapan nang tumunog ang kanyang cellphone. May kumislap na ideya sa isip niya.

"Hello, Dave!" Bulaslas niya.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang sabay na pagsulyap ng dalawang lalaki sa kanya.

"Dave? Sinong Dave? Si Cass ito, loka," ani sa kabilang linya.

"What made you call?" malambing na tanong niya.

"Well, just wanted to ask kung anong nangyari sa 'yo kagabi? Did your husband scold you?"

"Date? As in now?"

"Ha? Hindi kita maintindihan. May hang-over ka pa rin ba?"

"What's the hotel room number?" Pasimple siyang tumingin kay Josh at nakita niyang tila nanlilisik ang mga mata nito. Si Jed naman ay pinaglipat-lipat ang tingin kay Josh at sa kanya.

"You're crazy." Cass hanged up.

"Okay, I'm going there. See you!" At tinungo na niya ang couch upang damputin ang bag. "I'm going, hubby. Bye, Jed," paalam niya sa mga ito at tinungo ang pinto.

"Wait," matigas na wika ni Josh.

Lihim siyang napangiti at binura ang ngiting iyon nang humarap rito. "What?"

"Saan ka pupunta?"

"I have a date, why?" painosenteng sagot niya.

"A date sa isang hotel room?" marahas na tanong nito.

She rolled her eyes. "So? What do you care? Baka nakakalimutan mong wala dapat tayong pakialamanan." Tinalikuran na niya ito at tuluy-tuloy nang lumabas.

Sa labas ng silid ay pinakawalan niya ang pinipigilang pagtawa.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon