"HOY, lalaki! Lumabas ka diyang hudas ka!" Pinagbabayo ni Missy ang pinto ng silid nito. Malakas ang tama ng alak na nainom niya kaya may pakiwari siyang dahil sa alak kaya siya nagkaroon ng lakas ng loob na magwala.
"Ano bang problema mo?" iritadong tanong ni Josh. Suminghot ito at tumiim ang bagang. "Uminom ka?"
Pinanlakihan siya ng mga mata nang makitang wala itong pang-itaas. Sinisimulan na ba ng dalawang gumawa ng milagro nang mambulahaw siya?
"Pakialam mo! Iinom ako kung gusto ko!" bulyaw niya rito.
"Fine. Magpakalunod ka sa alak. Diyan ka naman magaling, 'di ba? Pero kung ayaw mong pakialaman kita, 'wag mo rin akong pakialaman dito." Akma na itong papasok muli nang pigilan niya.
"Teka nga! Salbahe ka! Bakit nag-uwi ka ng ibang babae sa bahay ha? Wala kang delicadeza!"
"Bakit ba? Nakalimutan mo na bang wala dapat tayong pakialamanan? Matulog ka na nga. Itulog mo na lang 'yang kalasingan mo at huwag ka nang mang-istorbo," he snorted.
"You bloody bastard! So, ganoon pala. Pwede palang magdala ng iba dito. Sige, dadalhin ko si Troy dito bukas ng gabi at dito kami—"
"Subukan mo lang!" Mukhang napikon si Josh sa sinabi niya. "Kung gusto mong paduguin ko siya sa harapan mo."
Napanganga siya. "Ah, gano'n? Kapag ikaw ang nagdala ng ibang babae, pwede. Pero kapag ako, hindi. Sige, para amanos tayo, paduduguin ko rin sa harapan mo 'yang babaeng 'yan! Nasaan na ba 'yan?" Akma siyang papasok sa silid nito ngunit hinarang siya nito.
"Tumigil ka na nga! Nakakahiya sa bisita ko. Lasing ka lang kaya pagbibigyan kita sa mga pinaggagagawa mo. Go!" pagtataboy nito sa kanya.
"I hate you!" nanggigigil sa inis na singhal niya.
"Alam ko na 'yan. Now, get inside your room kung ayaw mong kaladkarin pa kita papasok doon," banta nito.
Wala na siyang nagawa kundi ang tumalikod at padabog na tunguin ang sariling silid.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*
![A Kid For A Wife [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198216341-64-k819050.jpg)