Part 26

13.8K 403 15
                                        


"HONEY..."

Josh stunned. Nang mag-angat nang mukha si Cherie mula sa pagkakayakap sa kanya ay ngumiti ito. "Honey... I've missed you..."

Tumiim-bagang siya. Inalis niya ang mga kamay nito sa pagkakayakap sa kanya. Mabuti na lang at walang ibang lulan ang elevator kundi sila.

"Josh..." Lumatay sa mukha nito ang pagdaramdam sa ginawa niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig na tanong niya.

She looked hurt by his coldness. "Josh, I just came back. In fact, may jet lag pa nga ako. But then, pumunta pa rin agad ako dito just to see you and talk to you about—"

"Puwes, hindi mo dapat ginawa iyon. Nagsayang ka lang ng pagod."

Pinindot nito ang button na nakapagpatigil sa pag-usad ng elevator. Tiim-bagang na tiningnan niya ito. "Hindi pa tayo tapos, Josh. Wala tayong formal break up," wika nito. Kitang-kita sa mga mata ang hinanakit.

Napapantastikuhang tinitigan ni Josh ang babae. "Ganoon ba? Okay then, I'm now officially breaking up with you, Cherie. There. We just broke up. Now I want you out of my sight." Umakma siyang pipindutin ang button upang umandar na ang lift ngunit hinawakan ni Cherie ang kamay niya.

"Ayoko. Hindi ako pumapayag," matigas na tanggi nito ngunit lumambot rin kaagad ang tinig. "Please Josh, mag-usap tayo nang maayos. I'm sorry for leaving you for Paris without your approval."

He exhaled in disbelief. "The high and mighty supermodel Cherie. Hindi ako makapaniwalang pinapababa mo ang sarili mo nang ganito. But you don't have to do this. When you left me for Paris two years ago, kinalimutan na kita. Hindi mo ba nahalata? Hindi ko sinasagot ang mga tawag mo noon. Kinalimutan ko na ang lahat ng may kaugnayan sa 'yo."

"You're so cruel, Josh. Makasarili ka. Tama sila. Siguro hindi mo nga ako totoong minahal. Dahil kung minahal mo nga talaga ako, maiintindihan mo ako. Susuportahan mo ako sa pangarap ko..."

"Pangarap mo. Paano naman ang pangarap ko? Ang pangarap ko para sa ating dalawa? I don't want an international supermodel for a wife, dammit! I just—"

"What did you say?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito. "A-Are you telling me na dapat ay..."

"Yes. Binalak kong pakasalan ka noon. I was about to propose to you on the very day na sinabi mong aalis ka patungong Paris para magmodelo," pagtatapat niya.

Two years ago, inakala niyang si Cherie na ang babaeng nararapat niyang pakasalan dahil ito lang ang kaisa-isang babaeng sineryoso niya. They, in fact, lasted for five years together. Kung kaya ito na ang napili niyang pakasalan upang palugurin ang abuelo.

He felt compelled to marry and have kids early because of Timoteo. Noon ay nabanggit ng matanda na pangarap nito ang magkaroon ng apo sa tuhod. Wala itong anak at wala ring apong tunay. Kung kaya malabong magkaroon ito ng apo sa tuhod. But then, he very well knew what his grandfather meant. Gusto nitong magkaroon ng apo sa tuhod kahit man lang sa kanya. And whenever the old man would say that, he would always mention about Missy. Sana raw ay si Missy ang nakatuluyan niya kung hindi lang daw ito lumayo. And he remembered himself laughed about it. He thought it was just one of his grandfather's jokes. Ngunit hindi pala ito nagbibiro. Gusto pala talaga nitong si Missy ang mapangasawa niya.

And now he was married to Missy because of that old man. Yes. He was married. Bakit ba niyon lang niya naalalang kasal na pala siya? Napadali sana ang pagtataboy niya kay Cherie.

Pabiglang yumakap sa kanya si Cherie. "Oh, Honey! Really? Talaga bang gusto mo akong pakasa—"

"What's the sense of bringing out old issues, Cherie? It's too late." Muli niyang inalis ang mga braso nitong pumulupot sa kanya at pinindot na ang button na muling nagpatakbo ng lift pataas.

"No, Josh. Handa na akong talikuran ang lahat. The fame, ang Paris... everything. I'm ready to be married to you. Noong nasa Paris ako, I enjoyed the fame. But still, I always felt na may kulang sa akin. And that was you. I want you back in my life, Josh. I want to be with you for the rest of my life," nakangiting wika ng dalaga.

Umiling siya at itinaas ang kamay upang ipakita rito ang wedding ring na nakapagtatakang hindi niya tinatanggal sa daliri. "I'm married."

Napatda si Cherie. Niyon bumukas ang elevator. Naiwan itong nakatulala sa pagkabigla.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon