"COME on, Missy. Fight! Huwag kang magpadala sa mga sinabi ng babaeng iyon. Instead, take her as a challenge. Huwag mo siyang hayaang magtagumpay sa pang-aagaw sa asawa mo. Kahit marriage for convenience lang ang kasal n'yo, asawa mo pa rin siya. May karapatan ka sa kanya. Kaya kung ayaw mong maagaw siya ng iba, kumilos ka na."
Tama si Cass. Missy should fight. Hindi dapat niya hayaang magtagumpay si Cherie.
"Perfect!" palatak niya nang masilayan ang bagong silid ni Josh. Gray and white ang napili niyang color motif. Pinapalitan niya ang wallpaper at carpet. Bumili siya ng mga bagong dekorasyon, bagong couch, lampshade, Venetian blinds at bed cover set. Napakaganda ng kinalabasan ng ginawa niya at sigurado siyang magugustuhan nito ang bagong bihis ng silid nito.
"Nand'yan na ang asawa mo, Missy," nakangiting bungad ni Manang Choleng.
Tumango siya at excited na lumabas ng silid. And when she saw him, she fought the urge to hug him and tell him she missed him. "Hi, baby..."
Nangunot ang noo ni Josh. Siguro ay dahil sa bago niyang pagtawag dito. O marahil ay dahil naalala nito ang madalas na itawag nito sa kanya noon bukod sa 'Princess'. It was 'Baby Missy.'
"Still working on your new scheme huh?" sarkastikong wika nito habang matiim na nakatitig sa kanya. "Anong mga kalokohan ang ginawa mo rito habang wala ako? Nag-iinom ka na naman ba? Umuwi ka na naman ba nang halos umaga na?" Siya ang tinanong ni Josh ngunit bumaling ito ng tingin kay Manang Choleng.
"Walang ginawang kalokohan ang asawa mo, Hijo. Ni hindi nga siya halos umalis ng bahay. Napakabait niyang si Missy habang wala ka. Sa katunayan pa nga, may sorpresa siya para sa 'yo," nakangiting wika ng matanda. Nginitian niya ito.
"Anong sorpresa?" curious na tanong ni Josh. Iyon na ang naging hudyat para hilahin niya ito paakyat sa silid nito. Naguguluhan man ay nagpatianod na lang ito.
"Dyanan!" bulalas pa niya nang mabuksan ang silid nito. Tila napatda si Josh sa nabungarang pagbabago sa silid. "Did you like it?" excited na tanong niya. Hinintay niyang marinig sa asawa ang papuri at pasasalamat sa ginawa niya sa silid nito.
"Sinong may sabi sa 'yong pakialaman mo ang kwarto ko?" marahas na tanong nito, magkasalubong ang mga kilay.
Nalusaw ang ngiti niya. Pati ang galak sa dibdib. "Josh..."
"I hate new environment. Hindi nga ako makatulog sa hotel rooms dahil hindi ako sanay sa ibang sleeping environment other than my bedroom's. Hindi ko ipinabago ang ayos ng kuwarto ko kahit kailan. Who told you to mess up my room like this? Ito ba ang sorpresang sinasabi mo? Well, it truly is a surprise, but a bad one," he growled angrily.
She choked a cry. Nakagat ang labi sa nadamang sakit. "I... I'm sorry. H-Hindi ko kasi alam. I just wanted to make you happy..." At tinalikuran na niya ang asawa para tunguin ang sariling silid. She must not shed a tear in front of him.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Roman d'amour"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*