Part 31

13.7K 370 5
                                        


NAKITA ni Missy ang pagbabanggaan ng mga kilay ni Josh nang makita siyang naka-white poloshirt at shorts. Humabol siya bago pa man ito makasakay sa kotse nito.

"I'm coming with you, baby," aniya at isinukbit ang bag sa balikat. Binuksan niya ang kotse at umupo sa passenger seat. Napipilitang pumasok na lang rin ito sa sasakyan.

"Nananadya ka ba talaga? I'm playing golf with my friends. Hindi pwedeng may kasamang..."

"Asawa?" she supplied, smiling.

"No. Asungot," he mocked.

Bahagya siyang napasimangot sa sinabi nito. "Promise. Hindi ako aasungot. I just want to see you playing golf."

"Hindi ako pupunta roon para mabuwisit lang sa 'yo, brat. Get your stubborn butt off there. Mag-shopping ka na lang. Bilhin mo ang lahat ng gusto mo. Pumunta ka kahit saan. Patahimikin mo ako kahit ngayong araw lang na ito."

Nasaktan man sa pagtataboy ni Josh ay hindi siya nagpagapi sa nararamdaman. Ipinangako na niya sa sariling hindi siya susuko sa pagpapaibig rito kahit masaktan siya. Noong gabing pagalitan siya ng asawa sa pangingialam ng ayos ng silid nito ay nag-iiyak siya sa silid pero naisip rin niya pagkatapos na walang mangyayari kung magpapaapekto siya sa mga sinasabi ni Josh. Tutal naman ay kasalanan rin naman niya kung bakit ito nagalit sa kanya. Sinadya niyang galitin ito sa maraming pagkakataon. She made him hate her with her lies and pranks.

"So... you want me to date other guys. Iyon ba ang gusto mong gawin ko? Sige, I'll date Darwin na lang." Umakma siyang bubuksan ang pinto pero narinig niya ang pagpindot nito ng power lock. Padabog nitong binuhay ang makina ng kotse. Lihim siyang napangiti.

"Who the hell is that Darwin? Shit, brat. May bago ka na naman?" he muttered.

"I haven't dated him yet. But he kept on pursuing me. Sabi ko, ayoko kasi magagalit ang husband ko... magseselos," she teased.

"Dream on, brat," he snorted.

Yes, dream on, Missy. Malay mo, one day, magkatotoo ang pangarap mo, bulong ng kanyang isip. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon