Part 10

14.2K 394 9
                                    


"YOU may now kiss the bride," anang judge matapos ang seremonya ng civil wedding nilang sinaksihan ni Attorney Bernardo, ng alternate executor ng last will ni Don Timoteo na si Attorney Arboleda at ni Jed.

May pumalakpak sa mga saksi na nakapagpatingin sa kanila dito. Si Jed na nakangisi. "This is what I'm waiting for," tudyo pa nito na nakatingin kay Josh.

Nakita niya ang matalim na tinging ipinukol ni Josh sa kaibigan at bago pa man ito makapagsalita ay inunahan na niya ito. "Oh, that's not necessary. I'm in a hurry, 'cause I've got some shopping to do and a night-out with my friends. Bye, guys," nakangiting wika niya at binalingan si Josh. Hinaplos niya ang naninigas nitong panga. "See you later, hubby." At tuluyan na siyang lumabas ng silid. Pinigilan niya ang matawa sa mga hitsura ng mga iniwan niya. Lahat ay napanganga sa pagkamangha maliban kay Josh na tumiim ang bagang sa pamamahiya niya rito.

Hindi pa siya gaanong nakakalayo mula sa nilabasang silid nang may humablot sa braso niya. Si Josh. Halatang-halata sa mukha ang galit. "You little brat—"

"What? You chased me because of your wedding kiss? Nakalimutan mo na ba that you agreed on my conditions of marrying you?" Cool na cool na pang-iinis niya. Alam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit siya nito hinabol. Gusto siya nitong pagalitan dahil sa pamamahiya niya rito sa harap ng mga tao sa loob ng silid.

"Dream on, little brat. Wala akong kainte-interes na halikan ka," he said clenching his teeth.

Nag-angat siya ng kilay. Pilit itinago ang inis sa sinabi nito. "Kung ganoon naman pala, let go off my arm 'cause I'm in hurry. Hinihintay na ako ng barkada ko."

Lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Napa-aw siya sa sakit. "Had anybody told you that there are receptions after weddings?

"Had anybody told you that wedding receptions are just for real weddings?" Her anger started to show. "Sa papel lang tayo kasal, Josh. There's no need for us to follow those wedding craps."

"Don't you have manners at all? Respeto na lang para sa mga sibilisadong tao sa loob, join us as we celebrate this day I enter hell with you," sarkastiko nitong wika. May pagbabanta sa mga mata nito.

Napanganga siya sa pang-uuyam nito. "Indeed. It was hellish that I married someone as annoying brute as you. Bitiwan mo sabi ako eh!" Nagpumiglas siya mula rito ngunit hindi pa rin siya nito pinakawalan.

May dumaang lalaki na tila abugado sa hallway ng law office at bahagyang lumapit sa kanila. "May problema ba?" Tanong nito na sa kanya nakatingin.

Bago pa siya makahuma ay itinaas ni Josh ang kamay niya upang ipakita sa nagtanong ang wedding rings nila. "Away-mag-asawa," mahinahong wika ni Josh at binigyan pa siya ng nang-uuyam na tingin.

Mag-asawa, sarkastiko niyang bulong sa isip. Asawa na niya ang mayabang na ito! Tila ngayon lang nag-sink in sa kanya ang realidad na iyon.

"Hindi mo ako mapipilit sa ayokong gawin. Hindi ba at wala tayong pakialamanan? Pumayag ka sa lahat ng kundisyon ko. Nakalimutan mo na ba?" Muli niyang singhal rito nang makalayo na ang nagtanong na lalaki. "Then, let me remind you. First..." Ginamit niya ang buong lakas upang mapawalan nito ang braso niya. "no physical contact. Pangalawa, wala kang pakialam sa lahat ng gusto kong gawin. I don't want to go with you and there's no way you can force me dahil wala kang pinanghahawakan para mapasunod ako, while I have."

"Seven years didn't really change you, Missy. Hindi na nga siguro ikaw 'yung kutung-lupang mahilig bumuntot sa 'kin. Pero ikaw pa rin 'yung napakatigas ang ulong bata na walang kinatatakutan. Walang pakialam at walang galang sa mas nakatatanda."

Inirapan niya ito. "Are you done scolding me? 'Cause I'm done listening." At tinalikuran na niya ito at humakbang palayo.

Alam niyang nanggagalaiti ito sa galit nang iwan niya at ikinatutuwa niya iyon. Simula pa lang iyon ng panggugulo niya sa mundo nito. Marami pang pambubuwisit ang nakaplano na sa isip niya.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon