Part 32

14.1K 406 27
                                        


PINUNASAN ni Missy ang pawis na gumitaw sa noo ni Josh. Lahat ng mga kaibigan nito, miski si Jed, ay nakanganga sa tagpo. Josh was gritting his teeth, giving her a warning look but she disregarded it. Gusto lang niyang pagsilbihan ang asawa niya.

"Okay, baby. Continue," nakangiting wika niya. Nakita niya kung paano humigpit ang hawak nito sa golf club. Hinataw ng lalaki ang bola sa malakas na stroke kaysa sa dapat ngunit nagulat pa ito nang tsambang pumasok ang ginawang padaskol na tira.

Nagtatalon siya sa tuwa at yumakap rito. "Ang galing-galing talaga ng baby ko!"

Tila natigilan naman si Josh sa ginawa niyang pagyakap. Habang nakayakap siya rito, narinig na lang niya ang palakpakan at hiyawan ng tatlong kaibigan ng asawa.

"Good shot!" hiyaw ni Director Delgado, ang pinakamatanda sa tatlo.

"Could it be that his wife is his lucky charm?" ani Director Samonte na mas matanda lang nang kaunti kay Josh.

"He must really be lucky. Ikaw ba naman ang magkaroon ng ganyan kaganda at maasikasong asawa," wika ulit ni Director Delgado.

"Or perhaps that's the magic of love," tudyo ni Jed na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Doon lang kumawala sa pagkakayakap niya si Josh. Nang tingalain niya ang lalaki, nahuli niya ang matalim na tinging ipinukol nito kay Jed.

"Baby, I want to learn this game too," aniya sa asawa.

Alam niyang pilit pinipigilan ni Josh ang paglarawan ng inis sa mukha. Hindi dapat malaman ng ibang tao na hindi normal ang pagsasama nila. "You can't do this, Missy. Panoorin mo na lang kami." Again, he looked at her with a secret warning message.

"Bakit naman hindi, Josh? Mukhang gusto talagang matuto ni Missy," singit ni Director Delgado.

"Oo nga," ani isa pang director.

"Kung ayaw ng asawa mo, ako na lang ang magtuturo sa 'yo, Missy," pagpiprisinta ni Jed.

"Okay." Napilitan tuloy siyang lumayo sa asawa at tumungo sa lugar ni Jed. Ipinahawak nito sa kanya ang golf club nito at nagtungo ito sa kanyang likuran. It looked like he was hugging her from behind.

"Come here, Missy," mariing tawag ni Josh. Napatingin siya sa asawa. Nahuli niya ang pagtatagis ng mga bagang nito habang nakatingin sa kaibigan. Jed let go off her.

"Nakakahiya naman sa kaibigan ko kung iistorbohin mo pa siya. Ako na ang magtuturo sa 'yo."

Ngumiti siya at bumaling pa muna kay Jed bago bumalik sa asawa. "Thank you na lang, Jed."

Hindi ang inaasahan niyang pagpuwesto sa kanyang likuran ang ginawa ni Josh. Instead, he lectured her while showing her how to hold the golf club in different kinds of grips. Disappointed man ay pinakinggan na lang niya ito. Nang ibigay nito sa kanya ang golf club ay nagkunwa siyang nahihirapan.

Josh sighed in resignation. Pumuwesto ito sa likuran niya at hinawakan ang mga kamay niyang hawak ang golf club. She rejoiced silently. Napakagat-labi siya sa kilig nang maramdaman ang katawan nito sa likuran niya, almost hugging her.

He continued giving instructions in her ear while gripping her hands and swaying the golf club. He was almost whispering. He even paused for several times just to breathe and swallow hard.

Could it be that he was affected by their nearness? Biglang may kumislap sa isip ni Missy. Nilingon niya ang asawa. Just in time that he looked at her. Their lips touched.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon