NAPAPITLAG si Missy nang marahas na ihagis ni Josh ang dyaryo sa harapan niya. Pinasok siya sa silid at ginising ng umagang iyon para lang pagbasahin ng dyaryo? Ngunit nang damputin ang pahayagan at makita ang larawan niya roong kasama si Troy ay pinanlakihan siya ng mga mata.
May press people na nakakita sa kanila ni Troy kagabi nang magtungo sila sa disco-bar ng hotel. Tila yata umaayon sa kanya ang tadhana. Lihim siyang napangiti.
"Hindi ko alam na may nakakita sa amin. Gosh, sa tinagal-tagal kong nakikipag-date sa kung sinu-sino, ngayon lang may naka-spot sa akin," pag-arte niya.
"You just ruined my name, dammit!" tiim-bagang na singhal nito.
"I didn't intend to."
"Or do you? I warned you before, didn't I? Pero talagang napakatigas ng ulo mo. Wala ka talagang kinatatakutan."
Nag-angat siya ng kilay at tumayo na sa kama. Nakipagsukatan ng tingin rito. "Dahil wala ka namang maipananakot sa akin. So bakit ako matatakot?"
Saglit itong natigilan ngunit ngumiti nang pasarkastiko kapagdaka. "Paano kung mayroon?"
"Really? Then try me. Baka sakaling matakot ako," hamon niya.
"How about... if I tell your parents that you married me without their consent? Matatakot ka kaya?"
Natigilan siya. Naumid ang dila. Paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?
"Cat caught your tongue, brat? I'm not dumb. Ni minsan hindi mo nababanggit ang parents mo. Ni hindi man lang sila umuwi rito noong ikasal tayo. Hindi rin nila ako tinawagan o kinausap man lang noon tungkol sa pagpapakasal natin. Imposible namang wala silang pakialam sa pagpapakasal ng unica hija nila. Sigurado akong hindi nila alam ang mga ginagawa mo rito. Now, tell me, are you scared now?"
Pinandilatan niya ito. Naikuyom ang mga palad.
"Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may ginawa na namang kalokohan ang anak nila? Mortal sin sa mga magulang ang hindi pagpapaalam sa kanila ng pagpapakasal ng anak nila. Parang lumalabas na nagtanan ka," patuloy nito sa pananakot sa kanya.
Nakaisip siya ng maipananabla. "Magagalit din sila sa 'yo kapag nalaman nila ito."
"I was in a situation where I didn't have the right to choose. But you were not. You had a choice. Hindi kita mapipilit na magpakasal sa akin kung ayaw mo. Ikaw ang nagdesisyon para sa akin. Alam kong maiintindihan nila iyon. Lalo na kapag nalaman nila ang mga hiningi mong kapalit sa pagpapakasal mo sa akin. Their daughter owned ten percent of Techno-Net now at wala silang kamalay-malay."
"You cunning beast! Wala kang utang na loob. Ako pa ngayon ang ipapahamak mo matapos mo akong mapakinabangan!" Humulagpos na ang inis niya.
"You are well-compensated, brat. Wala akong utang na loob sa 'yo."
"Beast!" she hissed.
Umangat ang isang sulok ng mga labi nito. "Pero hindi ko sasabihin sa parents mo if you participate with me. Huwag ka nang magpapakita sa lahat ng mga lalaki mo simula ngayon at sasama ka sa akin mamayang gabi sa anniversary party ng isa sa mga business cronies ng Techno-Net. Maraming pupuntang press people doon. Lilinisin mo ang pangalan ko bilang pindehong asawa at buburahin natin ang mga maling ispekulasyon ng mga tao tungkol sa pagsasama natin. Naiintindihan mo ba?"
Iniwan siya nitong nagpupuyos ang dibdib.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*
![A Kid For A Wife [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198216341-64-k819050.jpg)