PINAHARUROT ni Missy ang kotse. Tutungo siya sa opisina ni Josh. Doon ay gagawin niya ang niyaring plano nang magising nang umagang iyon na may hang-over at poot sa dibdib. Tanghali na siyang nagising kung kaya hindi na niya naabutan ang mga taksil.
She gritted her teeth. Hinding-hindi niya palalampasin ang ginawang iyon ni Josh. Gaganti siya. Hindi siya papayag na tratuhin lang nito nang ganoon. Pinagmukha siya nitong tanga sa harap ng babae nito. Siguro ay lihim siyang pinagtawanan ng babaeng iyon dahil sa harap-harapang pagtataksil ni Josh. At sa kung paano siya nito sinigaw-sigawan nang gabing iyon at ipagtabuyan na tila bata.
Sa ginawang iyon ni Josh ay tila ipinaalala nito ang kasalanan sa kanya seven years ago, in front of Cherie. And thinking about that heartbreaking day seven years ago made every nerve in her body scream in anger.
And pain.
Yes, pain. At hindi makapaniwala si Missy na nasasaktan siya sa kaalamang may nobya ang asawa niya. It was so unfair. Kahit pinalalabas niyang may koleksyon siya ng flings ay hindi naman totoo iyon. Miski si Troy ay hindi niya pinatulan kahit pa nagpapahiwatig ito ng kagustuhang magkaroon sila ng espesyal na relasyon kahit kasal siya. Kahit galit siya kay Josh ay hindi niya magawang pagtaksilan ito nang totoo. Iyon pala ay ito ang gagawa ng bagay na iyon sa kanya.
Maya-maya pa ay sinapit na ni Missy ang parking lot at nagmamadaling umibis sa sasakyan. Paglabas niya ay nagkabanggaan pa sila ng isang babaeng palabas rin sa passenger seat ng katabi niyang kotse.
"Excuse me," aniya rito ngunit sinulyapan lang siya nito nang tila pairap at lumakad na palayo.
Kunut-noong sinundan niya ang babae habang papasok sa building. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babaeng iyon. And when she realized who she was, she froze on her feet.
Cherie!
She has long lustrous straight hair. She was too slim and tall. She walked with poise and elegance. Bakit hindi? She was an international model.
Cherie... the girl who had caused her heart broken seven years ago. Ito ang babaeng pinili ni Josh kaysa sa kanya. Dahil rito, nagkaroon ng lamat ang magandang pagsasamahan nila ng lalaki. Pati ang mga pangyayari sa kasalukuyan ay ito ang pinag-ugatan. The hate she and Josh felt for each other was all because of this 'heinous bitch' with a sweet name. Hinding-hindi niya ito mapapatawad sa mga ginawa noon.
Ngunit ano ang ginagawa nito roon sa Lavesarez building? Sinundan niya ang modelo. Patungo ito sa elevator. Niyon lang niya napansin si Josh na pumasok sa bumukas na elevator. Nagmadali si Cherie upang hindi maabutan ng pagsara ng lift.
Napahinto siya. Bago magsara ang lift, kitang-kita niya kung paano yumakap si Cherie kay Josh.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*