Part 29

13.1K 380 19
                                    


KAILANGAN na niyang baguhin ang imahe kay Josh. Dapat nang aminin ni Missy na hindi totoong may Dave, Luis, Ricky at Kenneth na nagpapadala sa kanya ng bulaklak at nakaka-date niya sa hotel rooms. At miski si Troy ay hindi niya totoong karelasyon. Kailangan na niyang linisin ang pangalan kay Josh para magkaroon ng posibilidad na magustuhan din siya nito.

Pag-uwi ng asawa galing sa four-day business trip ay uumpisahan na niya ang pag-amin rito ng mga tinahing kalokohan. Magmula sa araw na iyon ay magiging mabuting maybahay na siya. Aasikasuhin na niya si Josh bilang asawa, aalagaan... mamahalin.

Napangiti siya at muling itinuon ang atensyon sa pagbabasa ng Good Housekeeping Magazine. Balak kasi niyang i-redecorate ang silid ni Josh. Napansin kasi niyang napaka-monotonous ng kwarto nito. Naputol ang pagbabasa niya sa komedor nang marinig na may nag-doorbell. Nilinga-linga niya ang paligid at nang walang matagpuang kasambahay ay siya na ang nagkusang tingnan kung sino ang bisita. Upang magsisi lamang nang malaman kung sino iyon.

Cherie's eyes widened a bit at the sight of her. Ngunit kaagad ding tumalim ang tingin nito. Mahihinuha niyang alam na ng bisita kung sinong kaharap nito at siguro ay nabalitaan na nito ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Josh.

Nakadama siya nang pagmamalaki sa kabila ng mapanuring mga mata nito. Siya ang asawa ni Josh. Ex na lang ito ngayon.

"So, it's true," maasim ang mukhang pag-uumpisa nito ng usapan.

"Anong ginagawa mo rito?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ni Josh at pinakasalan ka niya," she said, full of disgust. "It's either pinikot mo siya o naawa siya sa 'yo dahil noon ka pa patay na patay sa kanya."

Sukat sa narinig ay nakaramdam siya ng malakas na pagnanais na saktan ito. Why, the bitch was back on terrorizing her. Ngunit hindi na siya isang batang paslit na maaari nitong kayan-kayanin.

"O pwede rin namang noong iniwan ko siya ay nagrebelde siya sa akin. He married you just to get back at me because he knew how I hate you, you little bitch."

Nagpanting ang mga tainga ni Missy sa sinabi nito. Handa na niya itong daluhungin pero may pumigil sa kanya. Bigla niyang naisip ang konsekwensiya ng gagawin.

She remembered Cherie to be a drama queen. Napaniwala nito noon si Josh na siya ang may kasalanan sa insidenteng nangyari sa birthday party noon ng huli. At kung itutuloy niya ang pagbibigay rito ng pasa ay malamang na magsumbong ito kay Josh at palabasin na namang inapi niya ito.

No. Hindi niya hahayaang muli ay siya na naman ang lumabas na masama. Missy smiled insultingly. "You mean, you visited me here just to sour-grape in front of me? How pathetic."

Lumaki ang mga mata nito. "Bitch. Nakakasiguro akong hindi ka mahal ni Josh dahil ako pa rin ang mahal—"

Sinarhan ni Missy ng gate si Cherie at nagpasyang bumalik sa ginagawa bago pa niya mahambalos ito.

"You little slut! Akala mo nagtagumpay ka na. Now that I came back, I'm going to claim what's mine. Then and now, Josh is mine. Tandaan mo 'yan!" Cherie yelled.

Hindi man aminin ni Missy ay nabahala siya sa banta nito. Hindi malabong mangyaring maagaw nito si Josh sa kanya. Cherie was his first love and a serious girlfriend for five years, while she had no claim to Josh. She was just that little tricky girl then whose dream was to be loved by him and the grown-up now but still that little tricky girl who still had the same dream.

She was his wife but just on paper. He did not love her.

She could tell she was more pathetic than Cherie.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon