Part 16

13.2K 355 15
                                    


"BUDDY, aakyat ba sila sa hotel?" Bulong ni Jed kay Josh. Kasama nila sa mesa ang tatlo pang director. Nagkayayaan ang mga itong maghapunan nang sabay-sabay.

"Who the hell cares?" ganting-bulong niya. Marahil, kung hindi lang matibay ang mga ngipin niya ay kanina pa nabasag ang mga iyon sa sobrang gigil niya sa nasaksihan.

"Well, you should, she's your—"

"Cut it out," mahinang asik niya. Mabuti na lang at may sarili ring usapan ang tatlo nilang kasama kung kaya tila hindi alintana ng mga ito ang pagbubulungan nila ni Jed.

"Okay lang sa 'yo ang ginagawa niya?" muling bulong ni Jed.

"Do I look like okay? Pero may magagawa ba ako? Alam mo ang mga kundisyon niya sa pagpapakasal sa 'kin."

"Buddy, hindi ko alam na may martyr husband tendencies ka pala."

"I used to confront her but the kid has a hard skull."

"Imbes na magalit ka nang magalit at kumprontahin siya parati sa mga ginagawa niya, learn to fight back."

"Are you suggesting na magpakaisip-bata rin ako?"

"You don't understand. She's deliberately making you mad. Kaya ikinatutuwa niyang nagagalit ka niya. And the fact na nagagawa ka niyang mapagalit parati, that means she's succeeding. That's why you must learn to counter-attack. Para siya naman ang magalit. Para maramdaman niya kung anong mga ginagawa niya sayo. Gumanti ka, pare."

How stupid he was. Bakit hindi niya naisip ang bagay na iyon? Marahil ay dahil kapag gumanti siya sa mga paninirya nito ay para na rin siyang pumatol sa bata. But the kid did not need spanking, what she needed was a dose of her own medicine.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon