Part 27

13.5K 378 8
                                        


HINDI pa rin makapaniwala si Missy sa nasaksihan. At hindi rin niya halos mapaniwalaan ang damdaming lumukob sa buo niyang pagkatao nang makita ang tagpong iyon.

That feeling was too familiar that it shook the hell out of her. Seven years ago, nang ipakilala ni Josh si Cherie sa kanya bilang girlfriend nito ay ganoon ang naramdaman niya. Ganoon ang nadarama niya sa tuwing magkasama ang dalawa noon, sa tuwing nakikita niya ang mga itong masaya at nagtatawanan. Napapikit siya nang mariin. Napahigpit ang hawak sa kopitang tangan.

She was jealous.

Nilagok niya ang laman ng kopita. Muntik na iyong mabasag nang pabagsak niya iyong ilapag sa counter ng bar.

No. Hindi siya maaaring makadama ng ganito. She hated Josh. Kaya nga niya ito pinakasalan para mapaghigantihan. Upang maipalasap niya rito ang galit niya.

But did she really hate him?

Kung galit talaga siya sa lalaki, dapat ay hindi na lang niya ito pinakasalan. Hindi na dapat siya nagpakita rito. Hinayaan niya sana itong mangipuspos sa pagkawala ng ari-arian ng abuelo nito sa mga kamay nito. Iyon ang talagang pagpaparusa rito. Iyon ang toong paghihiganti.

Nag-init ang mga mata ni Missy. Hindi niya halos nakayanang tanggapin ang realisasyong nabuo sa isip. Pinaniwala lang pala niya ang sariling galit siya sa binata at ng pride na paghihiganti lang ang dahilan niya sa pagpayag na makasal dito.

"You still love him, cousin," untag ni Cass sa pananahimik niya. Dito siya tumuloy. Sa paghihirap ng dibdib ay naibuhos niya sa pinsan ang sama ng loob sa muling pagkakakita kay Cherie. Nang magtanong ito tungkol sa babae ay napilitan siyang ikuwento ang insidente pitong taon na ang nakararaan kung saan siya nagsimulang magalit kay Josh.

Napatingin siya kay Cass. Hindi makapaniwalang nabasa nito ang hinahayon ng isip niya.

"You're just trying hard to deny it. But anybody who'd look at you now can tell. Nagseselos ka kay Cherie. Mahal mo pa rin si Josh. Ikaw pa rin iyong little Missy na patay na patay kay Josh noon."

Pinandilatan niya ang pinsan. "Thanks for rubbing it in." Inagaw niya mula kay Cass ang bote ng alak ngunit hindi nito ibinigay.

"That's enough. Lasing ka na."

"Kung lasing na ako, bakit naiisip ko pa rin siya?" Lumabi siya.

"Because you're crazy about him?" Pang-aasar pa nito.

"You bitch!"

Nang mabanggit ang bitch ay naalala niya si Cherie. That heinous bitch was back to snatch Josh away from her. Ngunit hindi niya ito mapapayagan sa binabalak. Hinding-hindi siya papayag na maagaw nitong muli si Josh sa kanya.

Mapait siyang napangiti. As if he were mine...

Josh had never been hers. Noon at ngayon, hindi ito naging totoong kanya. Kasal nga sila ngunit sa papel lang at may eksaktong araw pa kung saan matatapos.

"Huwag kang pumayag, cousin. 'Wag mong hayaang maagaw nung Cherie na iyon si Josh from you. I'm sure, kaya iyon bumalik ay para agawin sa 'yo ang asawa mo. Don't let her succeed." Muli, tila nabasa na naman ni Cass ang iniisip niya.

"But he was originally hers."

"Pero kasal kayo. Asawa mo siya."

"Pero iba ang mahal niya." Tila gusto niyang maiyak sa sinabi.

"Paano ka nakakasigurong mahal pa rin niya 'yong babaeng iyon?"

"Pero nakakasiguro akong hindi niya ako mahal."

"But you can work on that."

"Anong... ibig mong sabihin?"

Ngumiti si Cass. "Make him fall for you. Gawin mo ang lahat para ikaw ang piliin ni Josh kaysa sa Cherie na iyon."

Napatitig siya sa pinsan.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon