"JOSH, umuwi ka bago mag-dinner ha? We have something important to talk about."
"I'm not sure."
"Please?"
"I can't promise."
"Please, Josh?"
"I'll try."
"Please? Please? Please?"
"Okay."
Para kay Missy ay sapat na ang pag-uusap nilang iyon ni Josh bago umalis patungong trabaho upang umasa siyang makakasama niya ang asawa sa kaarawan nito at hindi magtatagumpay si Cherie.
Umupo siya sa kama at pinagmasdan ang inihandang dinner by candlelight dinner sa loob mismo ng silid ni Josh. Siya pa mismo ang nagluto ng mga putaheng nakalagay sa isang dumb waiter sa gilid ng silid. Noong nakaraang linggo pa niya pinag-aralan ang pagluluto ng mga iyon para maperpekto niya sa mismong araw ng kaarawan ng asawa. Hindi niya sinabi ritong alam niyang birthday nito dahil gusto niyang sorpresahin ang asawa.
This would be the defining moment of their relationship. Aaminin na niya sa asawa ang nararamdaman niya para rito. Kailangan nang malaman ni Josh ang totoo at nang hindi na ito naghihinalang may pinaplano lang siya laban rito.
Pinauuwi na si Missy ng mga magulang kung kaya dapat ay malaman na ng asawa ang nilalaman ng kalooban niya. Gusto rin niyang malaman mula kay Josh kung may pag-asa bang mauwi sa totohanan ang relasyon nila bilang mag-asawa bago niya sabihin sa mga magulang ang tungkol sa ginawa nilang lihim na pagpapakasal. Ayaw rin naman niyang magalit ang mga magulang niya kay Josh sa ginawa nila dahil siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat.
Napabuntunghininga siya at kinuha si Kiddo na natagpuan niya sa shelf ng silid. Niyakap niya iyon at nagdasal na sana kahit kaunti ay may damdamin din sa kanya si Josh para maging maayos na ang lahat at maging masaya na siya.
BINABASA MO ANG
A Kid For A Wife [COMPLETED]
Romance"Josh, wait for me please? Hintayin mo akong lumaki. Pakakasalan kita. Promise..." *UNEDITED VERSION*