Part 4

15.7K 440 11
                                        


"ANG tagal naman ng ex-girlfriend turned fiancée mo, Josh," tudyo ni Jed na ikinatiim ng bagang ni Josh.

Kabilang si Jed sa board of directors at kaklase niya noong college. Naroon ito sa maliit na conference room upang makiusyoso raw. Noon pa ay kaibigan na niya ito at ang sa tuwina ay umaasar sa kanya tungkol kay Missy noon. Saksi ito kung paano maglambing sa kanya si Missy sa tuwing bumibisita ito sa unibersidad nila.

Sinulyapan niya si Attorney Bernardo na nakatayo at palakad-lakad sa tapat ng glass wall. Ang mga mata ay palipat-lipat sa binabasang papel at sa tanawin sa labas.

"Dammit, Jed. Hanggang ngayon, pasaway pa rin 'yong batang 'yon," he muttered silently. Mag-iisang oras na sila roon at naghihintay kay Missy. Ngayon ang itinakda nitong pagkikita nila upang pag-usapan ang tungkol sa nasa testamento ng kanyang abuelo.

Lumapad ang ngiti ni Jed. "Bata? Kung hindi ako nagkakamali, Pare, nineteen na siya ngayon."

"Bata pa rin," he snorted.

Natawa si Jed. "Pare, twenty-nine ka pa lang."

"You think ten years gap isn't a problem?"

Natigilan ito. Tila niyon lang nito nakalkula ang agwat ng edad nila. "But well, at least may..." Nagporma ang mga kamay nito ng dalawang umbok sa dibdib at ngumiti nang pilyo. "na malamang siya. Sana cup C."

He gritted his teeth and hit Jed with a sneer. He used to laugh with his naughty jokes ngunit sa pagkakataong iyon ay nainis siya sa biro nito.

"Okay, okay. I know you like your women medium-sized." At ngumisi pa ito. Tila hindi alintana ang inis niya.

Puno ng iritasyong muli siyang napasulyap sa wall clock at pagkatapos ay sa abugado. "Attorney, darating pa ba siya?"

Nag-angat ito ng tingin mula sa binabasa. "She—" Napatingin ito sa pinto nang marinig na may kumatok. "She's here."

Napasulyap siya sa pinto. Bakas pa rin ang iritasyon sa mukha. And when the door opened, a lady in a sundress came out like in a slow motion. At nabura ang malalim na kunot sa noo niya nang tuluyang makapasok ang dalaga sa loob ng silid. In fact, napamaang siya nang hindi niya namamalayan.

Kung makalipad ang mahabang buhok ng dalaga ay tila may bintana ang silid na pinagmumulan ng hangin. Her pink pouting lips twitched in what seemed like a snob gesture. Huminto pa ito upang alisin ang dark glasses. At tila siya nahihipnotismong napatayo gaya ni Jed.

She has the same beautiful eyes as then. Ngunit nagkaroon ng accent ang mga matang iyon. Perhaps because she was now a lady. A very pretty lady.

And sexy... he added to his thoughts as he scanned her slender up and down. Mukhang hindi ito cup C na siyang ipinanalangin ni Jed. But rather, she's within his preference. Lihim niyang kinastigo ang sarili sa pag-iisip ng ganoong bagay.

For Pete's sake, she was Missy. Ang batang buntot ng buntot sa kanya noon na itinuring niyang nakababatang kapatid. But well, looking at her that moment, he saw no child. Hindi na ito ang dating paslit na Missy dahil napakalaki ng pagbabago nito. She had changed a lot. 

A Kid For A Wife [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon