Part 5

15K 412 3
                                    


MISSY gave Josh a cold look as she removed her shades to unmask her eyes. Hindi ipinahalata na bahagya siyang namangha sa pagbabagong naganap rito.

Noon pa man ay guwapo na si Josh kaya nga siya nagkandarapa rito noon. But he was more handsome now as when he was just twenty-two. Nagbago rin ang built nito. Kung hindi niya lang ito kilala, iisipin niyang isa itong male model. At hindi niya gustong pansinin ang biglang pagbilis ng pintig ng puso nang masilayan ito. Hindi na niya ito gusto. Walang dahilan upang kabahan siya sa pagtatagpo nilang iyon.

Gusto niyang mapangiti sa nakita niyang reaksyon nito nang makita siya. Inaasahan niya iyon. Inaasahan niyang magugulat ito sa malaking transpormasyon niya at hahanga sa mga pisikal na pagbabagong nangyari sa kanya sa loob ng pitong taong hindi nila pagkikita.

Napansin niyang bahagyang nangunot ang noo nito nang tapunan niya ng malamig na tingin. Did he expect her to run to him and hug him like the way she used to do then? Not a chance.

"Good afternoon, Miss Garcia," bati ng abugado na nakalapit na sa kanya. Kinamayan niya ito at bahagyang ngumiti.

Nang lumipat ang mga mata niya sa lalaking katabi ni Josh sa kabilang panig ng mahabang mesa ay kaagad nitong iniumang ang palad sa kanya.

"I'm Jed. Do you still remember me?" Nakangiting tanong nito.

Bahagya siyang ngumiti at inabot ang palad nito. "Yes, I remember you."

"You've grown so lovely, Missy." He planted a soft kiss on her knuckle. "Hindi ako makapaniwalang ikaw iyong batang..." Sadya marahil nitong itinigil ang sinasabi nang tumikhim si Josh.

Nahuli pa niya ang tila nagbabantang tinging ipinukol ni Josh dito dahilan upang bitiwan na nito ang kamay niya.

"Salamat at dumating ka pa," malamig na wika nito.

Napatitig siya rito. Nakataas ang kilay. Provoked by his unbecoming sarcasm. "What did you say?"

Tumikhim si Jed. "Ah, sabi niya, salamat sa pagdating mo. 'Di ba, buddy?" Sinagi pa nito ang braso ni Josh na matiim lang na nakatitig sa kanya. A slight crease on his forehead indicating slight irritation. Siguro ay dahil sa pagpapahintay niya rito ng halos isang oras.

Pinigilan niya ang mapangiti. Sinadya niya talagang magpa-late upang inisin ito. Paunang palasap sa paghihiganti niya rito.

"Let's get started," he snorted. At nagsiupo na sila.

A Kid For A Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon