KINAUMAGAHAN todo iwas na sya kay Lucas. Mabuti na ang nag iingat.
"Lana himala yata at hindi kayo magkasabay mag umagahan ni Lucas ngayon" wika ni Ricky.
"Ah, wala lang. Natripan ko lang kumain ng maaga" pagdadahilan nya
"Weh" nang aasar na ngumiti si Ricky "Natripan? Eh sa kanina ka pa humihikab halatang kulang ka sa tulog. Yung totoo, umiiwas ka no?"
Binatukan nya ito "Ba't naman ako iiwas? Eh sa gusto ko ngang kumain ng maaga"
Napapalatak ito "Ikaw ikaw, halata na nga deny ka pa. Alam mo, marami nang nakahalata sa closeness nyo ni Lucas pero wala namang nag iisip na mag jowa kayo kase hindi naman ganon ang labas ng closeness nyo. Isa pa, sya lang ang lagi mong kasama. Kaya naman nakakapagtaka talaga na hindi kayo magkasama. Lana, may ginawa ba sya?"
"Anong ginawa nya sayo?"
Napalingon sya nang marinig ang boses ni Ravin.
"May ginawa ba ang lamok na yon sayo?" Tanong nito saka tumabi kay Ricky dala ang pagkain.
Umiling sya "Wala syang ginawa."
Ravin eyed her "Are you sure? Lana pag pinagtangkahan ka nyang saktan magsabi ka lang"
Bumuntong hininga sya "Wala nga syang ginawa. Kailangan ko lang syang iwasan"
Napakunot noo si Ravin "Bakit?"
"Basta" muli syang sumubo ng pagkain "Hindi ko pwedeng sabihin. Kailangan ko talaga syang iwasan"
Tinapik sya ni Ricky saka inginuso sa likod nya. Nang lumingon sya, nagtama ang mga mata nila ni Lucas. Mabilis nyang isinubo ang huling piraso ng karne saka tumayo. Hindi nya sinalubong ang mga mata ni Lucas nang magkasalubong sila.
Nang makabalik sya sa kwarto nya, mabilis syang naligo at nagbihis. Balak nyang bisitahin ang bazaar, surely maraming mga products doon na galing sa labas na magugustuhan nya.
Bago sya lumabas naisipan nyang tawagan ang chief. Gusto kase nyang iconfirm ang pagdating nito mamayang gabi. Pumasok sya sa secret office at tumawag.
"Yes?" Bungad nito.
"You're coming right? Tonight? Subukan mo lang na hindi pumunta, lagot ka sakin. Magwewelga ako, hindi ko ipapahiram sayo sila Levi at Hugo" pagbabanta nya.
"Oo na, hindi mo naman ako kailangan bantaan ok? Pupunta ako. Basta after this pwede ko na ulit ipadala sa mission sila Hugo at Levi-"
"Wait wait wait" pigil nya "May usapan tayo tungkol dyan. First and foremost responsibility mo ang pumunta dito to make the students feel secure. Kaya wag mong idadamay ang rest ng mga mahal ko dito ok?"
The chief groan"Oo na. Pupunta ako."
Ngumiti sya "Muy Bien! Muy Bien! I'll see ya later then old man"
Lalabas na sana sya pero natigilan sya nang makarinig ng pag galaw sa kwarto nya. Maya maya pa ay narinig na nya boses ni Lucas na tinatawag ang pangalan nya. Hindi sya umimik at hindi gumalaw. Mahirap na kung makarinig ito ng ingay mula sa kinaroronan nya. Kinakabahan sya dahil sa mga armas na nakatago sa kwarto nya. Oo at maayos na nakatago ang mga yon pero hindi nya maiwasang kabahan.
Maya maya lang ay mukhang naisip nito na wala sya. Narinig nalang nya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Bumuntong hininga sya bago lumabas. Inilock nya ang pinto at nagpalit ng panlabas na damit.
Nang lumabas sya, walang tao sa hallway pero hindi pa sya nakakalayo nang tawagin ni Lucas ang pangalan nya. Dahan dahan syang humarap dito.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito
![](https://img.wattpad.com/cover/201304227-288-k391654.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bad Blood
VampireShe set her own rules. She's believes that a mix breed monster like her is not allowed to fall in love. But then she met this vampire, he's very persistent on entering her life. He made her experience a lot of things, made her feel emotions she neve...