Chapter 14

1.7K 60 0
                                        

MALAKAS nyang binuksan ang pinto. Halata ang gulat ng doctor at ng mga nurse dahil sa ginawa nya.

"Miss Lana naman, papatayin mo kami sa gulat" wika ng doctor.

"Hey doctor, I saw her being bullied a while ago. Gamutin mo ang mga sugat nya at bigyan ng cold compress dahil sinampal sya. Kunan mo narin ng dugo, I wanna make sure na hindi sya tinurukan ng lason ng mga nambubully sa kanya"aniya

Umiling si Alina "Hindi na kailangan. Ok lang ko"

Tumingin ang doktor kay Alina "Hmm, what a very timid wolf. If you want to become a huntress you need to be more wild. Look at Lana, she overflowing with confindence. A very wild human being. Come here honey"

Hindi agad lumapit si Alina dito, napakunot noo tuloy ang doctor.

"Don't worry, he's a nice person that you can talk to. Medyo pakealamero nga lang pero he's fine. You can talk to everyone in here" wika nya.

Napatingin si Alina sa doctor at sa mga assistant nurses nito. Lumapit ang isang nurse saka inalalayan si Alina.

"Doctor!"

Gulat na napatingin sa kanya ang doktor "You didn't have to shout!"

"Whatever" she rolled her eyes. "Anyway, like what I told you. She was bullied. Kung may pumunta dito para sa kanya o ano man, wag kayong papayag baka yung mga bullies yon ok? You need to protect her with everything you have. Let it be a scalpel or syringe basta protektahan nyo sya"

Natawa ang nurse "Copy that miss. "

Aalis na sana sya nang tawagin sya ni Alina.

"Salamat" wika nito

She just wink at her before leaving. Napamura sya nang  makitang late na sya pero ok lang. Napatingin sya sa wolfsbane na  hawak. Definitely dapat may gawin sila. Hindi nya alam baka may iba pang may hawak nito.

"Lana, you're late" wika ng instructor nang pumasok sya

"Sorry sir" wika nya pero hinarap nya si Russ at Ravin saka ipinakita ang hawak "You know this right?"

Nagulat ang ilan sa ipinakita nya. Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya ang dalawa.

"Saan mo nakuha yan?" Tanong ni Ravin.

"I saw three trainees bullying a wolf. They were threatening her and scaring her with this"

Nagkatinginan ang dalawa. Inilapag nya ang hawak sa table ni Russ at pumunta sa upuan.

"This is a serious matter" wika ng instructor nila "Nasaan na ang mga estudyanteng yon?"

"Nakay Rego. Naabutan nya pa kami" sagot nya

"Bawal ang mga ganitong bagay sa school. " Wika ng isang estudyante "I'm sure they'll be punished"

Pagkatapos ng klase ang trabaho naman nya ang inatupag nya. Niyayaya syang lumabas ni Lucas pero tumanggi sya. Kailangan nyang ayusin ang mga paperworks na naghihitay sa kwarto nya.

Nakarinig sya ng katok, maya maya lang ay pumasok si Butler Gray.

"What are those?" Tinutukoy nya ng hawak nitong mga paper.

"Ibinigay ito ni Russ Miss. Dahil sa nahanap mong wolfsbane sa isang estudyante napag isipan nilang maghalughog ng mga kwarto ngayong byernes habang nasa training lahat ng mga estudyante. "

"Ganon ba? Sino ang gagawa non?" Tanong nya.

"Butlers miss Lana" sagot nito.

Tumango sya saka kinuha ang hawak nitong papel na hawak nito at pinirmahan. "Ibigay mo na sa kanya."

The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon