Chapter 13

1.8K 67 0
                                    

THE festival was a success. So far naman walang gulong nangyari. Wala ding major damages sa school. Everyone is just so tired after the school event kaya naman nagdeclare sya ng rest day para sa lahat.

Habang nag uumagahan mag isa sa cafeteria, may tumawag sa kanya. Walang nakalagay na pangalan sa screen pero sinagot parin nya.


"Hey Lana, kumusta?"

Napakunot noo sya "Sino ka?"

"Wow, ilang taon lang ang lumipas nakalimot ka na. Si Rada to"


"Oh!" doon lang nya naalala. Rada is her witch friend, a very reliable one. She helped her in knowing her parent's history. "Kumusta?!"



"I'm good. Anyway, nahanap ko na yung origin nong pinapahanap mo. That ancient ruins?" Paalala nito "I found it, after searching in our huge witch library. Girl, that magic circle is dangerous"


"Wait," pigil nya "Let's not talk about this over the phone. Let's meet"



Rada scoff "Pinagloloko mo ba ako? Nasa Mist Hill ka, andito ako sa Red Crow University. Ang layo natin sa isa't isa"


She rolled her eyes "Ang arte neto. Three hours drive lang. Sige na, habang maaga pa"

Rada groaned"Fine. Let's meet halfway. "

Ngumiti sya "Yup, see ya later"

Mabilis nyang inubos ang pagkain saka bumalik sa kwarto. Mabilis syang naligo ay nagpalit. Habang nag aayos dumating si Gray.

"May lakad ka Miss?" Tanong nito.

"Oo, I'm meeting up with someone. Ikaw muna bahala dito. If something happens, tawagan mo agad ako" aniya "Anyway, ready the car. "


Yumuko ito"Yes miss Lana"



Inayos muna nya ang kwarto at sinugurong walang makakapasok doon bago lumabas. Natigilan sya nang makasalubong nya sila Carter at Will. Nag iwas sya ng tingin saka nilagpasan ang mga ito.  Lalayo sya sa gulo pero kung ang mga ito mismo nag lalapit sa kanya, hindi sya aatras.


"Lana!"

Napalingon sya. Nasa labas ng cafeteria si Lucas habang nakatingin sa kanya.

"I was knocking at your door pero walang sumasagot" wika nito.

"Baka naliligo ako." Aniya


"May lakad ka? Sama ako"


Natawa sya "Hindi pwede. Isa pa, malayo ang pupuntahan ko. Sige bye"

Nang makarating sya sa gate nakaabang doon ang isang magarang sasakyan. Hindi nya maiwasang mapangisi.

"Good job Butler" wika nya saka kinuha ang susing inaabot nito.


"Have a safe trip  miss" wika nito

"Yup" she wave her hand "Bye"


It was a long drive bago sya nakarating sa meeting place nila ni Rada. Nang makapasok sya sa restaurant na sinabi nito, wala pa ito. Buti nalang at walang gaanong tao sa loob ng restaurant. Nang tawagan nya ito, sinabi nitong malapit na ito kaya nag order na sya ng makakain nila.

Maya maya lang ay nakarating na rin ito. Sakto naman na dumating ang dalawang steak na inorder nya.


"You're really a carnivore" napailing iling ito.


The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon