Chapter 9

1.8K 69 2
                                    

NAPANGITI sya nang makita ang pagdating ng mga bulaklak sa hall. Nakaabang sya doon para tumulong sa decoration.

"Ok, kailangan nating ilagay ang mga candila sa mga mini chandelier. " Wika ng babae mula sa kabilang klase na syang in charge sa decors. Ang pagkakaalam nya kasama ito sa student comittee.

"Ok" aniya saka hinila ang isang mataas na hagdan. Walang gaanong lalake doon dahil abala pa ang mga ito sa ibang bagay.

Bukas na ang last day ng festival at naging sobrang abala sya. Halos ilang beses nyang kinailangang takasan si Lucas na laging nakadikit sa kanya para lang magawa nya ang trabaho nya. Pero dahil excited sya sa decors, maaga syang pumunta sa grand hall.

The grand hall itself is already beautiful. May napakalaking crystal chandelier sa gitna habang sa paligid ay mga mini chandelier na lalagyan nila ng mga kandila. Para bang may pagka Harry Potter ang design, yun nga lang, hindi mga witch ang dadalo sa event.

Before they roll the tables, kailangan muna nilang lagyan ng mga malalaking kandila ang mga mini candle chandelier.

"Lana aakyat ka ba?" Tanong ni Maera na syang incharge sa decors

"Oo, hindi naman delikado eh. Sisiw lang to" aniya.

"Ingat ka" wika nito. ..

May nakahawak sa hagdan habang umaakyat sa, just incase lang na gumewang. May mga ilang umakyat din sa ibang mga hagdan at tulong tulong silang ginawa ang trabaho.

Naglagay sya ng kandila sa mga kaya nyang abutin na lalagyan.

"Hani"tawag nya sa isang nasa baba."Paabot ng isang kandila. Kulang ako ng dala. "

Kumuha si Hani ng kandila sa box saka ibinato pataas at nasalo naman nya iyon.

"Lana!"

Napatingin sya sa pinto kung nasaan si Russ.

"Bumaba ka dyan! Diba sabi ko baka mabinat ka" wika nito

"Heh! Manahimik ka" aniya saka bumaba para mailipat ang hagdan.

Masyadong OA sila Russ at Ravin sa kanya nitong nakaraang araw. Kahit naman halatang malakas na malakas sya at binabantayan ng mga to ang ginagawa nya.

Inilipat nila ang hagdan saka muli syang kumuha ng kandila pero hinarang sya ni Russ.

"Diba galing ka lang sa sakit?" Ani nito.

"Yeah" aniya "Three weeks ago. At maayos na ang lagay ko so tabi. Distorbo ka sa trabaho. Excited paman din ako"

Bumuntong hininga ito "Fine, I'll stay here".

Sumimangot sya "Oh, eh pano yung ibang trabaho mo? Dun ka na nga,hindi na ako bata para i-baby sit mo".

Hinawakan nito ang hagdanan "Wala na akong gaanong gagawin. Naghihintay nalang ako ng update kay Ravin sa ibang mga activities. "

"Tsk" napa iling iling sya "Hay nako naman. Hindi tayo magkarelated pero nag OA nyong lahat. Hindi dahil sa nag faint ako ay mahina na ako. "

"Oo na, tama na ang daldal baka malaglag ka pa"

Muli syang napailing sa sinabi nito. Maya't maya lang ay dumating si Ravin. Nagbigay ito ng report kay Russ saka tumingin sa kanya.

"Bumaba ka dyan at ako na ang gagawa nyan" wika nito

"Silence! Wag mo rin akong bibigyan ng speech tulad ni Russ. Gosh, magkaaway nga kayo lagi pero parehong pareho lang kayo"

Napangiti sya nang makitang nalagyan na lahat ng kandila. Nilinis nila ang hall bago ilagay ang mga table.

The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon