Chapter 44

2K 91 10
                                        

"SO BAKIT andito sya?" Tinignan sya ni Marcie mula ulo hanggang paa "Is she here to claim her rights? Or whatsoever?"




Hindi nya nagustuhan ang tono nito. Ang pinaka ayaw nya sa lahat ay ang maling judgement ng tao sa kanya.




Inayos nya ang tindig at ngumiti "I think I have to introduce myself. I don't like people getting the wrong idea. My name is Lana, I am currently working at the organization as a huntress. I am the captain of thirteenth unit. I have a lot of money and properties, kaya kong buhayin ang sarili ko sa paraang gusto ko kaya hindi ko kailangang maghabol."





Umirap sa hangin si Marcie pero tinaasan nya lang ito ng kilay kasabay ng pagngisi.





"Hindi ba masyado ka pang bata para maging kapitan?" Tanong ni Faustino





"Hindi" mariing sagot nya "Hindi importante ang edad sa pagiging kapitan. Basta kaya mo, pwede."




Bumuntong hininga si Cameron "Nandito sya ngayon para magtrain. When Lana shifted, si Levi lang ang kasama nya. Dahil kulang sa gabay, hindi nya magawang kontrolin ng buo ang sarili pag nagbabago sya ng anyo"





Marcie scoff "It's really easy to control your shifted form. "





"May I remind you that Lana is a royal blooded wolf and Vampire. It means it is totally different from a beta blooded like you" depensa ni Levi. "If I were you, I will watch my mouth. You might find yourself submitting to her"




"I can only control myself for maybe a minute. After that, hindi ko na alam kung ano ang pinag gagagawa ko" aniya "This is a big thing to ask. Kung ayaw nyo, naiintindihan ko. Please don't force yourself dahil lang sa inutusan kayo ni Alpha" aniya.




The older beta stretched their bodies "Well, this is going to be challenging pero hindi namin aatrasan. " Wika ni Mauro





"Tama nga naman" wika ni Carlisle "Minsan lang kami makaharap ng katulad mo. We won't mind having some scratches"




Biglang tumayo si Clark "Hindi kami papatalo. The younger, the stronger"




Ngumisi si Ravin "Dad?"




"Mga amateur palang kayo. Wag malaki ang ulo "ngumiti si Cameron.




Inakbayan sya ni Levi "Mag ingat ka. Gagawin yata nilang competition ang gagawin natin ngayon"




Tumango tango sya "That's good. Sasagadin ko na sila ngayon. Baka bukas umayaw na sila" napatingala sya "This might be the first time that I will shift in a broad day light"




"No worries, after an hour bababa na rin ang araw. " Wika ni Levi.




"Will you be ok?" Tanong ni Russ




"Hindi dapat ako ang tinatanong mo nyan."itinuro nya ang mga kasama "Sila. I won't mind taking so much blow. Sanay na ako. "




"Hindi maganda ang masanay ".wika ni Vin "When you shift, you have to do your best to reign yourself. Kung hahayaan mong mawala ka sa sarili mo, then wala tayong magagawa"




"I know"marahas syang huminga "Alam ko"







Inihanda nya ang sarili habang nakapalibot sa kanya ang mga ito. The sky turned salmon colored, huminga muna sya ng malalim bago inunang tinanggal ang singsing. Tumingin sya kay Levi bago tinanggal ang natitirang piraso ng suppressor at mabilis na inabot dito. Maya maya lang ay napahilot sya ng sentido habang nararamdaman ang unti unting pagbabago ng kanyang anyo.




The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon