Chapter 21

1.7K 62 7
                                    

MABILIS ang pagtipa nya sa cellphone habang tumatakbo papunta sa gate. Napamura sya nang hindi angatin ng chief ang tawag nya.  Ang tita Lindsay nya ang sumunod na tinawagan at wala pang ilang segundo at inangat na nito.

"Tita emergency!" Bungad nya.

"What? What's going on?" Tanong nito habang narinig nya ang ingay ng upuan sa kabilang linya.

"That wanted Alpha rouge is here. " Aniya habang tumatakbo. "shit they are trying to break the gate!" Wika nya nang makita ang pag atakeng ginagawa ng mga to.

"Damn it! Where's Dallas?! We're on our way honey. Ikaw muna bahala dyan. Mag ingat ka "wika nito..

Hindi na nya ito sinagot at pinatay ang tawag saka mas binilisan pa ang takbo. Nandoon sila Rego  at ibang trainees ng school.

"Lana anong ginagawa mo dito?! Hindi pwede ang estudyant-"natigilan ito nang makita ang baril na dala nya.

Hindi na sya nagsalita at itinutok ang baril sa mga lobong nagbubukas sa gate. The gate is coated with silver kaya hindi madali ang pagbukas ng mga to pero mukhang pinag isipan nila ng paraan. Hindi na sya nagdalawang isip pa. Binaril nya ang mga lobo na nasa harap, mukhang nagulat nya ang mga ito kaya napaatras.

"Why the heck did you come here without a gun?!" Inis na wika nya

"We're not allowed ro have one remember?! Hindi rin namin pwedeng gamitin ang mga nasa training ground" sumbat nito

"Oh eh di kayo na ang magaling. Paano mo mapapatumba yang mga yan gamit lang yang nga kamao mo?" Inis na binigay nya ang baril dito at ang mga bala sa bulsa. Hindi nya inaasahang aatake ngayon ang mga ito pero mabuti nalang at naisipan nyang magdala ng baril.

"Saan ka pupunta?"tanong nito nang lumapit sya sa gate.

"Ako na ang bahala dito. Don't let anyone out, especially the wolves" aniya.

"Hey no!" Pigil nito pero lumabas na sya saka inilock ang gate. "Lana come back here!"

Tumingin sya sa grupo ng mga lobo. According to the info, sapilitang nakuha ang mga  ito. And she can't kill them all.

"You must be Frederick, " aniya sa nag iisang lobong hindi nagpalit ng anyo "Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa nahuhuli ng mga kasama ko. Mukhang nakahanap ka ng lunggang matataguan"

Ngumisi ito "Kung ako sayo, hindi na sana ako lumabas sa kinaroroonan ko. Wala kang laban bata"

Tumaas ang isang kilay nya "Ano bang kialangan mo at umabot ka  dito? Kase ang lugar na to ay hindi para sa mga kriminal na tulad mo"

"Bring out all the wolves in this University. Ilabas nyo sila at hindi kami tutuloy sa pagsira ng lugar na to. I also want the royal bloods"

Natawa sya sa sinabi nito "You got some guts to come here. Dapat hindi ka na nagpunta dito at nagtago nalang ng maayos. Your untrained pack against our school? Wala kang laban. Tumakas ka sa kulungan, kung sino sino ang pinatay mo at dinamay mo pa ang mga tao. Tapos hindi ka pa tumigil, you abducted a lot of wolves and brainwashed them. Ang dami mong dinamay. Nagkamali ka sa pagpunta dito, pagsisisihan mo ang naging desisyon mo ngayon"

Tumawa ito "You think so? I'm an alpha blooded wolf. You're just a human. Anong laban mo? Wala"

"Lana!"

Nakita nyang dumating sila Russ, may mga ilang estudyante din doon. She gave Rego a sign to stop the students and keep their distance.

Lalabas sana sina Ravin pero pinigilan ito ni Ricky. Nag away pa ang dalawa pero walang nagawa sila Russ at Lucas dahil hindi hinayaan ni Ricky ang mga to.

The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon