Chapter 39

1.8K 69 0
                                    

ALI briefed Rada about the current situation. Sina Rego, Ricky at Levi ay magkakasama sa pagbabantay kung sakali mang magpakita ulit ang babaeng yon.



"So, we already finished putting the spell everywhere" wika ni Ali "As soon as she appears somewhere or kung nasa malapit sya mararamdaman nyo agad ang presensya nya. All the witches from our University helped, thank goodness they mastered the spell right away"


"Very good" kumento ni Dallas "Every unit will be accompanied with at least one witch. Since we're dealing with one, hindi tayo maaaring kumilos na tayo tayo lang"

"Rada is coming with me" aniya

"Kay Ali ako" wika ni Mezzy "Nagawa na naming magtrabaho bilang iisang grupo sa isang mission before kaya magkasundo na ang grupo namin"

"Will you work as a group with Levi Lana?"tanong ni Lindsay

Nagkatinginan sila ni Levi. "As much as possible ayokong malayo kay Levi, pero magkaiba ang trabaho namin this time. So I have no choice. May tiwala naman akong magiging maganda ang teamwork nila."


"I'll lend one of my men to them" wika ni Ali "We have four witches in our unit. I'll lend you one wizard. Since medyo close si Kalil kay Levi, sya na ang ipapahiram ko"

"Thanks" maiksing wika nya

"What do you think is going on now with that woman?" Tanong ni Chief

"Maaaring nakahanap na sya ng katawan. O di kaya kasalukuyan syang naghahanap ng katawang malilipatan. She got into a weak body after all. Besides, she needs to transfer into a woman's body. Hindi sya gaanong makakagalaw sa katawang yon" sagot ni Ali

"She'll be out soon" wika ni Arizon


The chief sigh "Basta ang importante mag ingat ang bawat isa sa inyo. We will move as one. When she appears, we will attack as one. We have to take her down as soon as possible"



After the meeting bumalik sila sa kanilang mga unit.


"As usual, Ricky, Rego, kay Levi kayo. Kami ni Rada ang magkasama. You guys will be accompanied by Kalil. He's a wizard from the Eleventh unit." Hinarap nya si Levi "Don't you ever remove your ring. Gusto kong maramdamang safe ka"


"You do the same. Matigas ang ulo mo pero wag mong pairalin yan ngayon" ani nito. 

Malungkot syang ngumiti. Pag nandito siguro si Hugo, mas malala ang sermon nito sa kanya.

"Miss thirteen" bungad ni Kalil nang dumating kasabay ang chief..


"Chief what's wrong? Kakatapos lang ng meeting" tanong nya

"I know pero may kakarating lang na message from Keagan. You remember him? Lucas's father?"

Tumango sya "Oo naman. Ano daw yon?"

"May bisita kase sila, a vampire royalty from another country. I think you're familiar with the girl named Janine? Lucas's ex-fiance.  Supposed to be uuwi na sana sila sa bansa nang tanggihan ni Lucas ang kasal, pero nang nasa airport sila tumakas si Janine. Ngayon pinaghahanap na nila sya. "

Nangasim ang mukha nya sa sinabi niyo "Wala akong pake"


The chief sigh "Lana....."



"Chief, alam kong trabaho natin ang tumulong pero sa mga nangyayari ngayon hindi yan ang top priority natin. Besides, wala na akong koneksyon sa babaeng yon. She officially left the university, kaya wala na akong pake sa kanya. Naka red alert na nga tayo sisiksik pa sila. Isa pa, why don't they find her using their connection? Unlike sa nilalang na hinahanap natin, Janine can't vanish into thin air. Wala akong time para dyan."

The Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon